Erik

Complete healing ng ina, birthday wish ni Erik

October 11, 2022 Vinia Vivar 296 views

Kaarawan ni Erik Santos last October 10 at ang tanging hiling niyang regalo ay ang complete healing ng kanyang ina.

Sa birthday post ni Erik sa kanyang Instagram account, nagbigay-pugay ang singer sa kanyang ina at nagpasalamat sa dakilang pagmamahal nito.

“Today, let me honor and celebrate the one who serves as my biggest cheerleader and inspiration. Thank you Mommy for all that you are, and for all that you do.

“God continues to show me everyday that unconditional love exists… you are proof of that. Your life has been a testament of strength and courage and I always thank God for blessing us with the absolute best mother on the planet.

“You have always been and will forever be my hero… the wind beneath my wings. I love you very much,” ang papuri at mensahe ni Erik sa kanyang nanay.

Pinasalamatan din niya ang ASAP family niya sa birthday celebration na ibinigay sa kanya last Sunday.

“To some of the few special people in my life whom I got to celebrate my birthday with, thank you for singing some of my favorite songs with me on the ASAP stage. I’ll always be grateful to all of you.

“To my ASAP family, thank you so much for another wonderful birthday celebration. Thank you for always making me feel loved and special. I love each and everyone of you,” ani Erik.

Kasunod nito ay ang paghingi ng singer ng dasal para sa kanyang ina bilang regalo sa kaarawan niya.

“And to the one reading this, I hope you spare a few minutes of your time to say a prayer for the complete healing of my mom. That would be the best birthday gift ever. Thank you,” hiling ni Erik.

Naging emosyonal din ang Kapamilya singer sa kanyang guesting last Monday sa Magandang Buhay habang ibinahabagi niya kung gaano ang pasasalamat niya sa pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan.

“It’s so great to be surrounded by real friends, especially dito sa industriya na lagi nilang sinasabi na napakahirap makahanap at makatagpo ng mga tunay na kaibigan. Ako I am so proud to tell the world na kayo dito, tunay ko kayong kaibigan. Kasi beyond showbiz ang dami nating pinag-uusapan mga personal na buhay. ‘Yung mga hindi alam ng mga tao na pinagdadaanan natin, ‘di ba?” sabi ni Erik.

SINALUDUHAN

Muling hinangaan ng viewers pati na ng ilang nurses at medical professionals ang trending na eksena ni Ali (Kathryn Bernardo) kung saan nagsagawa siya ng CPR o Cardiopulmonary Resuscitation sa isang matanda matapos itong ma-cardiac arrest sa isang episode ng 2 Good 2 Be True.

Agad na pinost ng programa ang nasabing eksena kasama ang isang behind-the-scene footage kung saan makikitang pinag-aaralan ni Kathryn ang tinuturong step by step CPR procedure ng medical consultant nila sa show.

Sabi nga ng nurse na si @yanie96219634, “I salute the writer, director at ang bumubuo ng @2Good2BeTrue kasi nag-research talaga sila paano gawin ang CPR. As a nurse, I was impressed and @bernardokath delivered it well. Good job!

“This ACLS/BLS trainer approves,” sabi naman ng doktor na si @alenapiasmd.

Komento ng vlogger at nurse na si Riz, “In fairness ABS-CBN, well researched ulit, ha!”

Para sa netizens, maganda na nagtuturo ang palabas ng maayos na procedure tulad nitong CPR at F.A.S.T. method na makakatulong sa mga manonood.

Matatandaang nakasagip nga ang programa ng buhay matapos gawin ng isang netizen ang F.A.S.T. method sa lolo niyang na-stroke.

Sa nasabing episode, papaalis na sina Ali at Tox (Gillian Vicencio) sa clinic matapos malaman ni Eloy na nakita nito si Diego (Archi Adamos), ang dating security head ng Horizon Grand.

Ngunit bago pa sila makalabas, nakita ni Ali na nawalan ito ng malay kaya naman agad siyang lumapit para tulungan ito.

Kasalukuyang napapanood ang 2 Good 2 Be True nang advance sa Netflix Philippines o iWantTFC.

Maaari rin ito subaybayan sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, Jeepney TV at TFC IPTV.

AUTHOR PROFILE