Wedding ring nila ni Heart suot pa rin ni Sen. Chiz

October 12, 2022 Aster Amoyo 407 views

SA kabila nang napapabalitang hiwalay na umano ang mag-asawang Sen. Francis `Chiz’ Escudero at Kapuso actress and fashion icon na si Heart Evangelista, suot-suot pa rin ng senador ang kanyang wedding ring.

Marami naman ang nakapansin na hindi binati ni Heart ang kanyang mister sa 53rd birthday nito last October 10.

Ang singer-actress ay kasalukuyang nasa Paris where she got herself her own apartment.

Pareho pa ring tikom ang bibig ng celebrity couple.

Ginagampanan pa rin ng senador ang kanyang trabaho at abala rin si Heart sa pagiging artist at kolaborasyon sa ilang famous brands in Paris kung saan siya madalas ngayon.

Ginagawan umano ni Sen. Chiz ng paraan na maayos pa ang problema nila ni Heart.

The couple was last seen together sa Gala Night ng GMA nung July 30, 2022 pero the following month ay nagsimula na ang espekulasyon na may problema na ang dalawa laluna nang ibahin ng singer-actress-actress at entrepreneur ang pangalan sa kanyang Instagram account. Tinanggal na niya ang apelyidong Escudero at wala na rin halos ang photos nilang magkasama.

Roco

Rocco nasa tabi ni Melissa nang magsilang

BRAND new parents ang mag-asawang Kapuso actor na si Rocco Nacino at ang volleyball athlete na si Melissa Gohing-Nacino matapos isilang ang kanilang first baby na si Ezren Raffaello last Sunday, October 9.

Nasa tabi si Rocco ng kanyang misis nang ito’y magsilang matapos ang kanyang lock-in taping ng “Maria Clara at Ibarra”.

Tiyak na magiging kakaiba ang Christmas celebration ng mag-asawa dahil meron na silang supling na kasama.

Bago nakilala ang kanyang misis na si Melissa, Rocco was previously linked sa singer-actress na si Lovi Poe.

Erik

‘OTJ: The Missing 8’ nominado sa 2 Hollywood awards

ANG pelikulang “On the Job: The Missing 8” mula sa panulat ni Michico Yamamoto at direksiyon ni Erik Matti under Reality Entertainment ang naghatid sa actor na si John Arcilla at sa Pilipinas ng kauna-unahang Volpi Cup for Best Actor sa 78th Venice International Film Festival.

Ang nasabing pelikula ay nominado rin sa Best TV Movie/Mini Series category ng 50th International Emmy Awards na gaganapin sa New York Hilton Midtown in New York City, USA on November 21, 2022.

Bukod sa business partners na sina Direk Erik at Dondon Monteverde at sa writer-wife ni Direk Erik na si Michico, inaasahan na makakadalo na this time ang award-winning actor na si John.

Ang pelikulang “On the Job: The Missing 8” ay official entry ng Pilipinas sa International Feature Film category sa 9th Academy Awards na nakatakdang ganapin on March 12, 2023 sa Dolby Theatre in Los Angeles, California, USA.

Pagkatapos ng matagumpay na HBO Asia Original Series, Direk Erik and his creative team will work with Warner Bros Discovery para naman sa 2nd season ng “On the Job: The Missing 8” kung saan tampok sina Dennis Trillo, Joel Torre, Lotlot de Leon at iba pa.

Richard

Isyu kay Richard at nagpakilalang anak, di pa tapos

HINDI pa tapos ang issue sa pagitan ng Kapuso actor atentrepreneur na si Richard Yap at ng kanya umanong anak (sa labas) na si Joshua Jensen na naghahabol ng kanyang paternity acknowledgment.

Si Joshua ay nagkain ng reklamo sa korte (in Cebu City) na may kinalaman sa hindi pagkilala at pag-abandona umano sa kanya bilang anak ng actor who tried politics twice but failed.

Patuloy na hinahamon ni Joshua si Richard na sila’y magpa-DNA test nang malaman umano ang katotohanan sa kanyang claim. Pero hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang actor at kampo nito.

King

Koronasyon ni King Charles III, handa na

NAKAHANDA na ang coronation day ni King Charles III, ama nina Prince William (next in line to the throne) at Prince Harry. Si King Charles III ay ex-husband ng yumaong si Diana, Princess of Wales at mister ngayon ng Queen Consort na si Camilla Bowles. Grandfather siya ng limang apo na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis (kay Prince William) at sina Archie at Lilibet Mounbatten-Windson (kay Prince Harry).

Ang coronation day ni King Charles III ay itataon sa 4th birthday ng kanyang apo na si Archie (not heir to the crown) on May 6, 2023 na gaganapin sa Westminster Abbey na pamamahalaan ng Archbishop of Canterbury.

His majesty will be crowned along with the Queen Consort, pagkukumpirma ng Buckingham Palace.

Samantala, inaasahan ang pagdalo sa coronation day ni King Charles III ng kanyang second son na si Prince Harry (Duke of Sussex) at dating aktres na si Meghan Markle (Duchess of Sussex) kasama ang dalawa nilang anak na sina Archie at Lilibet.

Sina Prince Harry at Meghan ay tumalikod na sa kanilang Royal duties para mamuhay nang pribado sa isang mansion in Montecito in Santa Barbara, California, USA kasama ang kanilang mga anak.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE