Default Thumbnail

Commuter, transport groups nagpasalamat kay Isko

September 27, 2021 Jun I. Legaspi 437 views

TAOS-sa puso ang pasasalamat ng commuter at transport groups kay Mayor Isko Moreno at mga kasama nitong councilor sa siyudad ng Manila sa mabilis na pag amyenda sa controversial na No Contact-Apprehension Police o (NCAP).

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) malaking tulong ito sa motorists (public transport o private cars) dahil ayon sa amyendang inapprubahan ni Mayor Isko, at ng konseho sa pangunguna ni Vice-Mayor Honey Lacuna, ang babayaran na lamang na penalty ay ang first violation at wala nang babayaran na surchages at penalties.

“This will provide relief to thousands of motorists especially during this pandemic,” saad ni Inton.

Paliwanag ni Inton, ang ginawa ni Yorme Isko ay magbibigay ng malaking ginhawa sa mga registered-owners lala na ang mga operators na ang napipilitang magbayad ng daan-daang libong multa dahil sa hindi ire-renew ng Land Transportation Office (LTO) ang rehistro ng sasakyan kapag hindi nabayaran.

Ang nagyayari nababawasan ng malaki ang mga bumibiyaheng public transportation na siya namang nagdudulot ng pahirap sa mga commuters, ani Inton.

Dito ipinakita ni Mayor Isko na hindi ang kita mula sa multang ipinapataw ang mahalaga kundi ang pagdisiplina sa pagmamaneho, saad ni Inton.

Naging controversial ang implementation ng NCAP sa ilang siyudad ng Metro Manila dahil sa exhorbitant multang ipinapataw at ang resigtered-owner ang nagbabayad ng penalty, dahil ang nakukunan ng CCTV ay ang plate number ng sasakyan at hindi ang totoong driver na siyang violator.

Kaugnay nito nanawagan ang LCSP sa ibang local government units (LGUs) na nagpapatupad ng (NCAP) magpasa rin ng amnesty, o kaya sa mga (LGU) nagbabalak na magpatupad nito, ay isantabi muna nila ngayon panahon ng pandemya. Mabibigyan din ng panahon ang mga LGUs na ma-review nila ang kanilang ordinasa.

AUTHOR PROFILE