Default Thumbnail

College of Medicine kauna-unahan sa Rizal

February 23, 2022 People's Tonight 277 views

MASAYANG ibinalita ni dating Rizal Governor and Antipolo City Mayor Jun Ynares ang pag-apruba nila sa Board of Regents ng University of Rizal System (URS), ng pagkakaroon ng sariling College of Medicine.

Inapurbahan ito ng Board of Regents ng URS sa tulong at suporta na rin ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal.

Ayon kay dating Mayor Ynares, ay katuparan ng pagnanais nila ni Sen. Joel Villanueva na magkaroon ng sariling kursong medisina sa Rizal na maaaring pag-aralan ng mga residente ng Rizal at mga karatig bayan at probinsya nito.

“Dahil walang kolehiyo o unibersidad, public or private, sa buong Rizal na nag-aalok ng nasabing kurso, bilang isang doktor, tiyak ko, pati ni Senator Joel Villanueva, na ito ay higit na makatutulong sa mga kapwa nating Rizalenyo na nais na maging doctor o medical practitioner balang araw,” masayang pahayag ni Ynares.

Naniniwala din si Ynares na malaking pagkakataon ito para dumami ang mga tutugon sa pangangailangang medikal ng lalawigan lalo na at nasa gitna pa ng pandemiya ang bansa.

“Sa malawak na hospital programs natin sa Rizal, maging dito sa Antipolo, sigurado akong mainam na madadagdagan tayo balang araw ng mga doctors na handang magbigay ng kanilang serbisyo para sa kapakanan at kagalingan ng mga Antipolenyo at Rizalenyo,” pahayag ni Ynares sa kauna-unahang College of Medicine sa buong lalawigan ng Rizal.

AUTHOR PROFILE