Col. Julius Anonuevo, bagong PD ng Albay PPO
NAGLABAS ng ‘Termination of Designation and (new) Designation Order’ ang Camp Crame hinggil sa bagong balasahan sa Albay Police Provincial Office.
Ang ‘order’ ay pirmado ni Police Major General Belli B. Tamayo, hepe ng Directorate for Personnel and Record Management (TDPRM) ng PNP Headquarters.
Base sa kautusan, itinatalaga bilang officer-in-charge ng Albay PPO si Police Colonel Julius Cubos Anonuevo, epektibo nitong nagdaang Biyernes, Pebrero 16.
Pinalitan ni Col. Anonuevo ang sinibak na Albay PD na si Police Colonel Ferdinand Lacson Cunanan, Jr. na nasa ‘floating status’ ngayon.
Walang nakalagay sa direktiba ni Gen. Tamayo kung ano ang dahilan ng pagsibak kay Cunanan, ngunit positibo ang mga residente ng Albay sa ginawang ‘reshuffle’ dahil tiyak magiging maayos na ang ‘peace and order’ sa kanilang probinsiya.
Hindi natin kilala ang mga nabanggit na opisyal, ngunit sa mga nakararating sa impormasyon sa inyong lingkod, napapanahong magkaroon ng bagong pamunuan sa Albay PNP.
Isang sinserong ‘goodluck’ na pagbati po ang nais nating iparating kay Col. Anonuevo at sana ma-meet nito ang inaasam ng mga kababayan natin sa Albay na katahimikan at kaayusan sa kanilang lalawigan.
Ang Police Regional Office (PRO) director 5 chief ay si Brig. Gen. Andrei Dizon na isa ring magaling na opisyal.
Sa panahon ngayon na nagsusulputan na naman ang krimen at illegal drugs, importante ang kredibilidad, kagalingan at katapatan sa pagganap ng tungkulin ng mga opisyal natin sa pulisya.
Samantala, speaking of Albay. Isang police official pala rito ang nagpatawag ng meeting noong nakaraang linggo.
Ito’y para magpahanap umano ng ‘hired killer’ laban sa kilalang negosyante sa lalawigan at isang retired na opisyal na graduate pa mismo ng Philippine Military Academy (PMA).
Si police official ay sangkot umano sa illegal na bookies at quarry operation.
Si opisyal ay kilala sa probinsiya na may-ari rin ng mga dump truck na pinanghahanapbuhay din nito gamit ang kanyang tsapa.
Bukod dito, pinapagamit ng opisyal ang kanyang mg tauhan para magsilbing private army ng illegal na pasugalan.
Malalim ang illegal na operasyong ito.
Ngunit ngayong may bagong PD ang Albay PPO, baka mwala ang mga ganitong kuwento at sigurado ko rin namang mamomonitor ito hindi lamang ni RD Gen. Dizon, kundi hanggang higher ups sa Camp Crame mismo.
Kesa namang makarating pa ang isyung ito kay DILG Sec. Benhur Abalos at Executive Secretary Lucas Bersamin.
Muli, good luck Col. Anonuevo, Sir!