Villar

Coconut industry tutulungan ni Sen. Villar

September 2, 2023 Camille P. Balagtas 241 views

SA kabila ng achievements ng coconut industry, tiniyak ni Sen. Cynthia A. Villar na patuloy nilang po-protektahan at palalawakin ang industriyang ito.

“We are aware that our work doesn’t stop here as we continually monitor the implementation of relevant laws (in the industry),” sabi pa ni Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture and food.

Idinagdag ng senador na panahon na para bigyang tuon ang rehabilitasyon ng coconut industry.

Sinabi ni Villar na alinsunod sa kanyang adbokasiyang maiangat ang coconut industry, ipinaglaban niya ang pagpasa sa Republic Act No. 11524 o “The Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act” na isang ng ganap na batas noon pang 2021.

“This law aims to consolidate the benefits due to coconut farmers, especially the poor and marginalized, under various statutes and to expedite the delivery thereof to attain increased income for coconut farmers, alleviate poverty and achieve social equality, ” ani Villar.

Itinatakda rin sa batas ang paghahanda sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) na magbibigay ng direksyon at polisiya sa pag-unlad at rehabilitasyon ng coconut industry sa loob ng 50 taon.

Inihayag ni Villar na nahaharap pa rin ang coconut industry sa mga hamon sa kabila ng pagbulusok ng export nito.

Kabilang sa mga tinukoy na problema ang pagiging madaling maapektuhan ng pagbaba ng presyo sa buong mundo, mababang farm productivity, infestations at epekto ng climate change.

Sa pagdiriwang ng World Coconut Congress, hinimok ni Villar ang kahat ng stakeholders na magkaisa para harapin ang mga isyu at gumawa ng mga inisiyatibong mangangalaga sa coconut industry.