Center Sinusuri ni Dr. George Co ang isa sa mga pasyente na nagpasuri ng paningin sa gitna ng soft opening ng Charity OPD ng CGHMC Eye Center sa Sta. Cruz, Maynila. Kuha ni JON-JON REYES

CGHMC ‘Charity’ Eye Center, inilunsad

June 7, 2023 Jonjon Reyes 357 views

KAMAKAILAN ay nagsagawa ng isang “soft opening” ang Out Patient Department (OPD) kaugnay sa Eye Center ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) na matatagpuan sa Leonor Rivera Street, Sta. Cruz, Maynila.

Umabot sa higit 30 pasyente ang nagpakonsulta kina Dr. George Co, Dr. Kevin Gabriel Tan, Dr. Bry Ong Kian Koc, at Dr. Mel Gabriel, na kasapi ng Ophthalmology Section ng CGHMC.

Ayon kay Dr. Co, sila ay boluntaryong magseserbisyo at magbibigay ng libreng konsulta para sa mga may karamdaman sa paningin at sa binuksang eye center.

Binanggit din ng doktor na ang kanilang sahod sa PhilHealth (Phlippine Health Insurance Corp.) ay magiging donasyon sa eye center at sinigurado nila na ang kanilang mga consultants ay mga naturang propesyunal na titingin sa mga pasyente.

Ang OPD Eye Center ay handang magbigay ng libreng konsulta tuwing Martes at Biyernes, mula alas-2 hangang alas-4 ng hapon at maaari munang magtext sa 0917-3459716 upang makapagpalista at makakuha ng impormasyon sa kanilang tanggapan.

AUTHOR PROFILE