Default Thumbnail

Camarines Norte niyanig ng 4.5 magnitude na lindol

March 14, 2023 Zaida I. Delos Reyes 194 views

NIYANIG ng 4.5 magnitude na lindol ang Camarines Norte nitong nakalipas na Lunes ng gabi.

Batay sa earthquake information na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol ay naramdaman dakong 6:45p.m. na tumama sa 17 kilometro southeast ng Tinaga Island, Vinzons, Camarines Norte.

Naitala ang Intensity III sa Mercedes, Camarines Norte; Sipocot, Camarines Sur; at Polillo, Quezon.

Intensity II naman ang naramdaman sa Iriga City at Ragay sa Camarines Sur at Intensity I sa Guinayangan, Mauban, at Gumaca sa Quezon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang lindol, na nangangahulugang dulot ito ng paggalaw ng active fault malapit sa lugar.

Posibleng umanong magdulot ng pinsala ang lindol sa mga bahay, gusali at iba pang imprastraktura, base sa Phivolcs, subalit wala umanong inaasahang aftershock.