Default Thumbnail

Calabarzon naka-full alert sa Semana Sanata

April 3, 2023 Gil Aman 177 views

INILAGAY sa “full alert status” ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) Regiona 4-A ang mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon o Calabarzon region para sa Semana Santa at pag-igting ng seguridad ng mga bakasyunista na mag-uuwian sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon.

Ito ang inihayag ni P/Brigadier Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., PRO (Police Regional Office) 4-A director, matapos ang isinagawang staff conference sa Camp Vicente Lim, Lunes ng umaga (Abril 3).

Tiniyak ni Nartatez na magiging maayos at ligtas ang mga motorista na aalalayan ng mahigit sa 13,000 PNP personnel na ide-deploy sa panahon ng Semana Santa.

Ayon sa opisyal, Enero pa lamang nitong taon ay nagplano na ng mga programa sa rehiyon bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga tao sa nasabing okasyon at pagsasamantala na rin sa “summer vacation.”

AUTHOR PROFILE