Default Thumbnail

Cagayan lubog sa baha dahil kay Goring

August 27, 2023 People's Tonight 223 views

MARAMING bayan sa Cagayan ang lubog na sa baha at nakakaranas ng malalakas na pag-ulan dulot ng super typhoon Goring.

Ayon sa sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), matindi ang pagbaha sa Gonzaga, Lal-lo, Sta. Ana, Gattaran, Baggao, Sta. Teresita, Sto. Niño, Solana at Aparri.

Humigit-kumulang sa 1,473 residente na ang apektado ng pagbaha. Gayunpaman, inaasahan ng PDRRMO na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga apektadong residente dahil sa epekto ng bagyong Goring.

Nailikas na ang karamihan sa mga residente at pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, may mga reports na din ng brownouts sa malalaking bahagi ng lalawigan dahil sa lakas ng pag-ulan at hangin na dala ng bagyo.

AUTHOR PROFILE