Yap

Build, Build, Build, ituloy! – ACT CIS

March 13, 2022 People's Tonight 319 views

NANGAKO ang ACT-CIS Partylist na ipagpapatuloy ang Build, Build, Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag ibinalik sila ng taumbayan sa Kongreso.

Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, hindi maaring ihinto ang nasabing programa dahil lahat ng sektor ay nakikinabang dito.

“Dapat talagang ituloy ng susunod na administrasyon ang Build, Build, Build Projects dahil malaking naibawas nito sa problema sa trapiko,” ani Yap.

“Bukod sa traffic solution, maraming trabaho din ang nagagawa ng nasabing mga proyekto,” dagdag ni Yap.

Pag-amin pa ni Yap, magiging katuwang nila sa Senado si Senatorial Aspirant Raffy Tulfo sa pagpapanukala na maglaan ng malaking pondo para sa programa pagkatapos ng Duterte Administration.

“Kasama po namin dito si Sir Raffy at nangako siya na kapag nanalo, isusulong nya na ituloy ang programang ito ng pangulo,” hirit ni Yap.

AUTHOR PROFILE