Default Thumbnail

Brotherhood of Brave Maharlika Tigers

October 14, 2023 Marlon Purification 276 views

Marlon PurificationMATAPOS ang opisyal na accreditation ng Brotherhood of Brave Maharlika Tigers (BBMT) bilang international organization at bahagi ng mga non-government organization (NGO) na sumusuporta sa climate change action plans ng bansa, inanunsyo ng grupo na magsasagawa sila ng BBMT Leaders International Conference sa Nobyembre 8, 2023 sa makasaysayang Manila Hotel sa Maynila.

Inaasahang dadalo sa okasyon sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr., Interior and Local government Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. at Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Lorenzo ‘Larry’ Gadon.

Inaasahan din ang pagdalo nina Senators Christopher Lawrence ‘Bong’ Go at Maria Imelda Josefa Remedios ‘Imee’ Marcos, Philippine National Railway (PNR) chairman Mike Macapagal, iba pang mga opisyal ng pahamalaan at miyembro ng BBMT mula sa Taiwan, South Korea, China at Singapore.

Bilang bahagi ng NGO accreditation nito, binigyan din ng pagkilala ang BBMT upang dumalo sa ika-28 Conference of the Parties to the UN Framework Convention on Climate Change (COP28) na nakatakda mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 12, 2023 sa Expo City Dubai na may layuning pag-isahin ang mundo tungo sa kasunduan sa praktikal at ambisyosong solusyon sa mga problemang dulot ng climate change at global warming.

Sa paghahanda sa pagdalo ng grupo sa COP28, pinaalalahanan ni BBMT founder Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr. ang mga miyembro ng Brotherhood na tandaan ang kanilang misyon ng “pagsulong ng isang balanse at malusog na ekolohiya alinsunod ritmiko ng kalikasan para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon at para sa Diyos, bayan at ekolohiya.”

Kasalukuyang nasa Cebu si Commissioner Dela Cruz na kung saan dumalo siya sa taunang General Assembly at halalan ng Philippine Trial Judge League (PTJLI) bilang guest speaker sa Climate Justice, kasama ang ibang mga opisyal ng gobyerno at mga climate stakeholder mula sa publiko at pribadong sektor.

“In case, there is any other selfish motivation, the same will not work for the Maharlikang Kapatiran. Only time can tell and together (we will) write the great history of our Kapatiran ng mga Magigiting na Tigreng Maharlika,” punto ni Dela Cruz.