BOC

BOC suportado direktiba ni PBBM para sa 24/7 Shipment Process

June 6, 2024 People's Tonight 156 views

SUPORTADO ng Bureau of Customs (BOC) ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng 24/7 shipment process upang matugunan ang hamon ng tuloy-tuloy na pagdating ng mga kargamento sa mga pantalan ng bansa.

Upang maabot ang 24/7 operation ay mangangailangan umano ng suporta mula sa mga stakeholder sa supply chain kasama ang shipping lines, arrastre operators, terminal operators, warehouse facilities, financial institutions, at trucking industry.

Mahalaga umano ang papel na ginagampanan ng mga ito para sa mabilis na paglabas ng mga kargamento n dumaraan sa iba’t ibang proseso gaya ng pre-customs, customs proper, at post-customs processing stages.

Dapat umano ay maging tugma ang operasyon ng mga stakeholder para maiwasan ang mga delay at matiyak na mabilis ang proseso sa pagpapalabas ng mga kargamento.

Tiniyak ng BOC na makikipagtulungan ito sa mga stakeholder para makalikha ng angkop na mekanismo bilang tugon sa direktiba ng Pangulo.

Upang mapabilis ang proseso, isinulong ng BOC ang digitalization, lumikha at nagpatupad ng mga sistema upang mapabilis ang mga proseso nito.

Nananatili umano ang dedikasyon ng BOC sa misyon nito na asikasuhin ang mga kalakal, tiyakin na makatutugon sa pamantayan ang regulasyon nito at nababantayan ang mga hangganan ng bansa.

Ang BOC, sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ay patuloy umanong sumusuporta kay Pangulong Marcos at sa direktiba nito.

AUTHOR PROFILE