Default Thumbnail

BOC pinarangalan ng ARTA

December 13, 2023 Vic Reyes 115 views

Vic ReyesHANGAD ng lahat ng bansa, kasama na ang Pilipinas, sa buong mundo ay magkaroon ng world-class service sa kanilang airports at seaports.

Kaya nga nagkakandarapa ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) na lalong mapaganda ang mga serbisyong ibinibigay nila sa taumbayan.

Lalong-lalo na sa lahat ng port users, kabilang na ang mga importer, customs broker at iba pang nagta-transact ng business sa aduana.

Sa totoo lang, hindi dapat pinababayaan ng BOC ang mga tao at grupo na kung saan nanggagaling ang perang pumapasok sa kaban ng bayan.

Kung walang importers at customs brokers ay saan kukuha ng pera ang ahensya? Hindi naman puwedeng mag-magic na lang ang BOC.

Kaya tama ang ginagawa nina Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na gawing simple ang processes sa mga pantalan sa buong bansa.

Kamakailan nga ay binigyang parangal ng ARTA ang BOC dahil sa “significant role in enhancing efficiency and reducing red tape.”

Ano ang ARTA? Ito ang Anti-Red Tape Authority na naglalayong isulong ang “Ease of Doing Business” movement sa Pilipinas.

Ang parangal ay iginawad ng ARTA sa BOC noong 2023 Ease of Doing Business Convention na ginanap kamakailan sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Ang Plaque of Recognition ay tinanggap ni acting Deputy Commissioner (Depcom) for Internal Administration Michael C. Fermin.

Pinarangalan ang ahensya dahil sa “unwavering support for ARTA’s programs throughout the year,” ayon sa plake.

Sa ilalim ng pamamahala ni Commissioner Rubio, isang Ilocanong taga-Batac City. lalong lumakas ang ugrnayan ng ARTA at BOC.

Pinabilis din ni Commissioner Rubio ang modernization program ng ahensya para ma-streamline ang customs processes.

Tama ang ginagawang pagtutulungan ng BOC at ARTA dahil ang gusto ni Pangulong Marcos ay magkaroon ng “efficient and business-friendly environment sa mga opisina ng gobyerno.”

Hindi ba, Pangulong Marcos?

****

Mukhang lumalala ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi na lang binobomba ng tubig ng mga malalaking barko ng Chinese Coast Guard ang ating mga maliliit na supply ships.

Binabangga pa ng mga barkong Chinese ang mga wooden ships natin na nagdadala lang ng pagkain, tubig, gamot at iba pang supplies sa ating mga mangingisda sa WPS.

Sobra na ang ginagawa ng mga Intsik na ito. Ang masakit pa ay sa loob pa mismo ng ating tinatawag na exclusive economic zone (EEZ) tayo hinaharass.

Ang lalakas ng loob ng mga taong ito para gaguhin tayo sa ating sariling bakuran.

Dapat magpatulong na tayo sa ating mga kaibigan sa international community.

Hindi naman ginagawa ito ng mga Intsik sa ibang claimant-countries na kagaya ng Japan, Vietnaman at Indonesia.

***

Sa Sabado, Disyembre 16, ay simula na ng tinatawag na “Simbang Gabi” ng mga miyembro ng Roman Catholic Church.”

Ito ay siyam na araw na novena na magtatapos sa Disyembre 24, ang eve ng Christmas Day.

Actually, may mga lugar na gabi pa lang ng Biyernes, Disyembre 15, ay magsisimba na ang mga tao para sa unang araw ng Simbang Gabi.

Lalo na sa mga liblib na pook na kung saan napakagastos pumunta sa bayan para magsimba.

Sobra ang mahal ng pamasahe sa mga iilang tricycle na pumapasada sa lugar.

Sa hirap ng buhay ngayon bunga ng ‘di mapigilang pagtaas ng presyo ng halos lahat ng bilihin ay talagang kakaunti ang magsi-Simbang Gabi ngayon.

Ayon sa kanila, hindi sa ayaw nilang mag-simba kundi wala silang magagawa.

Ang kakapiranggot nilang kita ay pambili na lang ng bigas at tuyo.

(Para sa ainyong komneto at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected] . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE