Default Thumbnail

Peace men

December 13, 2023 Allan L. Encarnacion 154 views

Allan EncarnacionMABUTI na ring inatras na ang Christmas civilian convoy na nagbalak magbigay ng pamaskong handog sa mga sundalo natin sa West Philippine Seat at Ayungin Shoal.

Kasunod ito ng pagkanyon ng tubig ng Chinese militia at Chinese Coast Guard sa resupply mission ng Coast Guard at AFP papunta rin mga pinag-aagawang teritoryo.

Sa ganito kainit na tensiyon, hindi tama na may gigitnang sibilyan kahit pa sabihin nating humanitarian mission naman ang kanilang lakad.

Para kasi tayong nagbubuhos ng gasolina sa nagbabagang asero kapag magkakaroon pa ng ganitong aktibidad.

Sana lang ay magkaroon na ng high level intervention dito ang mga malalamig ang ulo mula sa China at Pilipinas na may mediators pa mula sa Europe, America at UN upang matapos na ang tensiyon.

Peace men!

[email protected]