Vic Reyes

BOC, nakatutok sa trabaho

March 17, 2024 Vic Reyes 61 views

DALAWANG linggo na lang ay matatapos na ang first quarter ng taon.

Kaya naman ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa pangunguna ni Commissioner Bievenido Y. Rubio, ay laging nakatutok sa trabaho.

Bawal kasi sa mga taga-BOC ang “pa-easy-easy lang ang trabaho” dahil mabigat ang nakaatang nilang gampanin sa gobyerno.”

Kagaya ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kailangan nilang kumayod ng husto para may perang magpapaandar sa “government machinery.”

Ang BIR at BOC ang dalawang pinaka-malaking revenue-generating agencies ng government.

Ang BOC nga ay kailangang makakolekta ng P1 trilyong sa taong ito.

Para ma-meet ng BOC ang 2024 collection target nito ay kailangang mag-average ng P83 bilyon ang kanilang buwanang koleksyon.

Ang problema lang, naka-depende syempre sa volume at value ng importasyon ang laki ng malilikom na taripa at buwis ng BOC.

Kaya natural lang na maging strikto ang mga taga-BOC sa pagpataw ng tamang buwis sa mga imported goods.

Naniniwala tayo na sinanay na mabuti ang mga nagpapataw ng buwis at taripa sa iba’t ibang collection districts ng ahensya.

At sana huwag magpasilaw sa kinang ng pera ang mga kaibigan natin sa aduana para lalo pang lumaki ang koleksyon ng BOC.

Dagdag sa kita ng ahensya ay kailangang ipagbili sa pamamagitan ng public auction ang mga kumpiskado at abandonadong shipments.

Kung maari lang ay isubasta kaagad ang lahat ng puwedeng ipagbiling produkto.

Ito ay para maiwasan ang pilferage ng mga ito kung magtatagal sa mga imbakan.

Hindi ba, Commissioner Rubio?

***

Ang taunang selebrasyon ng Holy Week ay magsisimula sa Marso 24 (Palm Sunday) at magtatapos ng Marso 31 (Easter Sunday).

Inaasahan ngang mga dalawang milyong pasahero ang uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya para doon gunitain ang Mahal na Araw.

Ang iba nga ay nakauwi na para maiwasan ang siksikan sa bus at barko. Ito ang mga walang trabaho at magbabakasyon lang sa probinsiya.

Ang mga may trabaho naman ay sa isang linggo pa ang uwi dahil may pasok pa hanggang Miyerkules, Marso 27, sa gobyerno at pribadong sektor.

Ang “long weekend” ay sasamantalahin ng marami nating kababayan para makapiling ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

***

Sa mga kababayan nating magbabakasyon ng ilang araw daoat siguruhing may maiiwan kahit isa man lang sa pamilya para magbantay sa bahay.

Meron pa rin tayong mga kababayan na naghihintay lamang ng pagkakataong magnakaw kapag nagkaroon ng pagkakataon.

Huwag nating bigyan ng puwang ang mga taong ito para makapanloko.

Kung walang puwedeng magpaiwan ay siguraduhing hindi mapapasok ang bahay. O ‘di kaya’y ibilin sa kapitbahay.

Ma maige na ang laging nag-iingat.

(Para sa inyong komento at suhestiyon. tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE