Default Thumbnail

BOC, kailangang kumolekta ng P83.4B kada buwan

January 21, 2024 Vic Reyes 140 views

Vic ReyesSA dami ng “big-budgeted” proyekto at programa sa 2024 ay kailangang magtrabaho ng husto ang mga revenue-generating agencies.

Kung hindi ay baka mahirapan ang gobyerno na abutin ang napakalaking revenue collection target sa taong ito, na isang leap year.

Ang 2024 assigned tax take ng Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ay P1 trilyon.

Ang problema lang ay wala sa kamay ng mga taga-B0C kung gaano kadami ang darating na importarsyon ng bansa.

Kung ano lang ang ipaparating ng mga importador na produkto ay ito lang ang mga papatungan ng buwis at taripa ng BOC.

In other words, naghihintay lang ng importasyon ang mga taga-BOC. Kung walang importasyon ay nganga ang gobyerno.

Kaya ang dapat ay ma-encourage ang mga negosyante para damihan pa ang kanilang importasyon sa taong ito.

Ang mahirap lang, tatamaan ang taumbayan dahil patuloy na itinataas ng BOC ang sinisingil na duties and taxes(d/t) sa mga dumarating na kargamento para maabot ang P1 trilyon target ng ahensiya ngayon 2024.

Kaya asahan na ng taumbayan na siguradong magtataasan din ang presyo ng mga inaangkat nating produkto mula sa ibang bansa. Kasama na dito ang angricultural products.

Para maabot ang P1 trilyon, kailangang mag-average ng P83.4 bilyon ang monthly tax take ng ahensya mula Enero hanggang Disyembre.

Sa tingin ng maraming waterfront stakeholders ay “achievable” ang target dahil nga sa itinaas din ng BOC ang mga sinisingil ngayon na duties and taxes.

Huwag lang magkaroon ng isang trahediya na kagaya ng dalawang taong coronavirus disease (COVID-19) na nagpahirap sa mundo.

Kailangang paigtingin pa ang kampanya laban sa ismagling at iba pang katarantaduhan sa bureaucracy.

Huwag natin kalimutan na malaki ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa iligal na pagpasok ng mga produkto sa bansa.

Kaysa mapunta sa gobyerno ang buwis, taripa at iba pang bayarin ay napupunta ang mga ito sa bulsa ng mga korap na lingkod bayan.

Ito ang kailangang bantayan nina Commissioner Rubio para maabot o malampasan pa ang P1 trilyong collection target ng BOC.

Kaya naman ‘yan, ‘di ba Finance Secretary Ralph Recto?

***

Balik sa normal na naman ang trapik sa Metro Manila.

Sa totoo lang, ang bagal ng usad ng trapiko sa MM at karatig-pook, lalo na kapag “rush hour” sa umaga at hapon.

Pero hindi naman ang Metro Manila ang may pinakamalalang problema sa problema sa buong mundo.

Ito ay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nauna nito ay sinabi ng Tomtom TraFFIC index (TTI)) na ang MM ang nangunguna sa may malalang trapik sa mundo.

Pumangalawa ang Lima, Peru at sumunod ang Bengaluru (India), Sapporo (Japan), Bogota (Columbia) at Taichung (Taiwan).

Ang problema sa mga malalaking syudad sa mundo ay dumadami ang bilang ng mga sasakyan pero hindi naman lumalawak ang mga daan.

Sa tingin ng marami, dapat magtayo ng mga ospital, paaralan at bahay negosyo sa kanayunan para huwag magsiksikan ang tao sa MM.

Hindi ba, Pangulong Marcos?

***

Magandang balita ito.

Bumaba daw ang bilang ng mga cybercrime sa bansa bunga daw ng mandatory SIM card registration.

Umabot lang ng 6,385 ang cybercrime ang naitala ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) mula Agosto hanggang Disyembre 2023.

Mula Enero hanggang Hulyo, 14,893 crybercrimes ang naitala ng PNP-ACG.

Umaasa ang PNP na magtuloy-tuloy ang pagbaba ng bilang ng cybercrimes sa bansa dahil namomonitor ng pulisya ang mga manloloko.

Tapos na ang mga maliligayang araw ninyo!

Tama ba, PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, magtext sa #0917-8624484/email: [email protected].Ilaga lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE