Herbert

Bistek, ‘Reneboy’ noon, ‘Ready Boy’ ngayon

December 10, 2021 Ian F. Fariñas 378 views

MAGPA-PASKO na pero busy pa rin sa paglilibot sa iba’t ibang lugar sa bansa ang senatorial candidate na si Herbert “Bistek” Bautista.

Kagagaling lamang niya ng Mindanao kung saan nakipagpulong siya sa ilang leaders at grupo para alamin kung paano siya mas makakatulong sakaling palarin na maupo sa Senado sa 2022.

Aliw ang kwento ni Bistek sa Mindanao trip sa kanyang Facebook account kahapon.

Aniya, “Reneboy” pa rin ang tawag sa kanya ng mga Davaoeño.

“Nakakatuwa po na naaalala pa rin pala ng ilan nating kababayan ang karakter na ating ginampanan sa soap opera na Flordeluna na umere sa RPN-9 mula 1979 hanggang 1986.

“Si ‘Reneboy’ po ay ‘Ready Boy’ na. Ready na po tayong gumanap sa mas malawak na tungkulin para sa sambayanan. Samahan po sana ninyo ako,” mensahe ni Bistek sa kanyang followers.

AUTHOR PROFILE