Jasmine

Erin, gustong palitan si Jasmine sa ‘The World between Us’

December 10, 2021 Ian F. Fariñas 358 views

Sa isang interview para sa recent contract renewal ni Erin Ocampo sa GMA Artist Center, nabanggit ng The World Between Us actress na kung siya ang papipiliin kung sinong karakter ang gusto niyang gampanan sa show bukod sa karakter niyang si Vee Mapa, pipiliin niya ang karakter ni Jasmine Curtis-Smith na si Lia.

“Siyempre, du’n na tayo kay Jas!” natatawang banggit ni Erin.

“Alam naman ng lahat na crush ko si Alden (Richards), eh. Lagi ko nga silang niloloko… ‘yung kissing scene nila nakailang take ‘yon. Sabi ko kay Jas, ‘Sis, exchange (naman tayo!)'”

Kwento pa ni Erin, masaya siya dahil tila magkakapatid na magturingan ang cast ng The World Between Us.

Aniya, “Kakaiba talaga ‘yung bonding namin. Para kaming magkakapatid wala akong masabi. Everyday, nag-uusap kami. Everyday, may nagse-send ng nakakatawa, may nagshe-share ng kung anong nangyari sa araw nila.”

Samantala, ’wag nang magpahuli sa mga kapana-panabik na eksena sa The World Between Us pagkatapos I Left My Heart in Sorsogon sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE