JLC

Sitcom ni JLC sa GMA, plantsado na

December 10, 2021 Ian F. Fariñas 302 views

Sakto ngayong Kapaskuhan, opisyal nang inilabas ang teaser plug ng much-awaited sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA Network na Happy To Get Her nitong Lunes.

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay pumirma ang box-office king ng partnership deal sa Kapuso Network para sa kanyang gagawing sitcom sa ilalim ng direksyon ni Wacky Solutions, Inc. director and line producer Edgar “Bobot” Mortiz.

Bumuhos naman ang excitement at saya sa comments section ng naturang teaser mula sa fans ng multi-awarded actor lalo pa at ito ang magiging comeback project ni John Lloyd matapos ang ilang taon niyang hiatus sa showbiz.

Kaabang-abang naman talaga ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd sa Kapuso Network pati na rin kung sinong artists ang makakasama niya sa Happy To Get Her.

AUTHOR PROFILE