Default Thumbnail

Binatilyo nakitang lumulutang sa Ilog Pasig

October 10, 2022 Jonjon Reyes 266 views

MALAKI ang hinalang pinulikat ang isang 16-anyos na binatilyo, makaraang iluwa ng Ilog Pasig malapit sa PUP Ferry Station sa Sta. Mesa, Maynila, Linggo ng hapon.

Itinago sa pangalang “RJ” ang biktima na residente ng Jaime Cardinal Sin Village sa Sta. Ana, Maynila.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Jansen Rey San Pedro kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 3:00 ng hapon nang marekober ang bangkay ng binatilyo ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nasabing lugar.

Matapos maiahon ang bangkay, nagreport kaagad ang PCG sa tanggapan ng MPD Homicide Section.

Ipinalalagay ng pulisya, na maaaring pinulikat ito at hindi na umano nito naigalaw ang kanyang mga paa upang ikampay.

Gayunman, naniniwala ang mga kaanak ng binatilyo na walang “foul play” sa insidente ngunit isasailalim pa rin ito sa kaukulang awtopsiya sa pinagdalhang morgue.

AUTHOR PROFILE