Default Thumbnail

Binata tumawid, dedo sa truck

February 28, 2024 Jojo C. Magsombol 117 views

HINDI na umabot ng buhay sa hospital noong Lunes ang isang estudyante matapos mabundol ng isang truck habang tumatawid bandang 8 p.m. sa Maharlika Highway, Brgy. San Rafael, Sto Tomas City, Batangas.

Ang nasawi ay nakilalang si Jefferson Cauyson, 19, binata, tubong Quezon City, Manila, at residente sa Purok 4, Brgy San Rafael, Sto Tomas City.

Bandang 9:20 ng gabi ng February 26, 2024, nang natanggap ng mga pulis ang report tungkol sa insidente.

Napag-alamang ang truck (NGJ38) ay galing ng Calamba City na minamaneho ng isang 59 anyos na residente ng Blk. 17, Lot 32, Phase 2, St. Louie Village Talon 3, Las Piñas City at tumatakbo sa nasabing highway nang aksidenteng mabundol ang biktima.

Sa lakas ng bangga ay tumilapon ang biktima at nagtamo ng mga grabeng sugat sa katawan.

Mabilis na naisugod sa Laurel Hospital Tanauan City ang duguang biktima subali’t ideneklarang dead on arrival ito, ayon sa attending physician na si Dra. Marissa Villanueva.

AUTHOR PROFILE