Billy

Billy, pasok sa ‘Dancing with the Stars’ finals

November 8, 2022 Ian F. Fariñas 311 views

HUMAHATAW pa rin si Billy Crawford at ang dance partner niyang si Fauve Hautot sa Dancing with the Stars dance competition sa France dahil pasok na sila sa final round.

Kahit na-injure sa bandang likuran, naging pro ang The Wall Philippines host ng Kapuso channel at itinuloy ang pagsayaw nu’ng semi-finals, kung saan nakakuha sila ni Fauve ng 39 out of the perfect 40 points mula sa metikulosong judges.

Nang kumustahin ng mga hurado ang kanyang injury, sinabi ng aktor-TV host na, “It hurts a lot, but I like it. It’s my life. I want to dance.”

Sa isang Instagram post bago ang huli nilang performance, pinasalamatan ni Billy ang mga nasa likod ng Dancing with the Stars pati na ang kanilang fellow contestants.

Aniya, “Here we go, the semi-finals for @dals_tf1. It has been an amazing experience and such a pleasure to dance on a daily basis. Can’t wait for tonight. We will see if I’ll make it to the finals or not but to all the artists, judges, my dance partner who became my sister @fauvehautot , pro dancers, prod, TF1 thank you for this blessing and making my job worth loving! To my wife and my son this is for you! To God be the glory.”

Haharapin nina Billy at Fauve sa competition finale ang French singer na si Carla Lazzari at Togolese-Israeli singer na si Stephane Legar.

AUTHOR PROFILE