Vic

Pauleen ipinagmamalaking sa kanya ‘tumino’ si Vic

November 9, 2022 Aster Amoyo 586 views

Vic1

SA araw na ito, November 10 nagdaraos ng kanyang 34th birthday si Pauleen Luna, wife ng veteran singer-songwriter, actor-comedian, host and producer na si Vic Sotto at ina ni Tali who just turned 5 last November 6.

Vic at Pauleen will be celebrating their 7th wedding anniversary on January 30, 2023. Pero bago ito ay nauna nang i-celebrate ng celebrity couple ang kanilang 11th anniversary bilang magka-relasyon including their over four years bilang magkasintahan.

Pauleen who is 34 years younger than Vic admitted na ang kanyang mister at anak nilang si Tali ang best things na dumating sa kanyang buhay.

Marami ang nagsabi noon na hindi magtatagal ang relasyon nilang mag-asawa kung pagbabasehan ang pagiging ladies’ man ng kanyang mister

Ang ipinagpapasalamat ni Pauleen dumating si Vic sa kanyang buhay na nag-focus na sa kanila ni Tali at iba pang mga anak, kasama na ang mga apo..

Ang mahalaga ngayon kay Pauleen ay siya ang pangalawang pinakasalan ni Vic at sila pa rin ang magkasama hanggang ngayon.

Given the chance, gusto pa rin ng mag-asawang Vic at Pauleen na magkaroon ng baby brother or sister si Tali. Gayunaman, kontento na ang singer, actress-host sa masaya at mapayapa nilang pagsasama ni Vic who is soon to have another grandchild sa kanyang panganay na anak na si Danica at mister nitong si Marc Pingris, their third child.

Yassi

Yassi kahanay na nina Pia, Marian at Anne

BAGO pa man ipinakilala sa media ang pinakabagong 2023 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel na si Yassi Pressman last Tuesday afternoon na ginanap sa ballroom ng Makati Diamond Residences in Makati City ay sari-saring pangalan ang lumutang at kasama rito ang sexy star at top vlogger na si Ivana Alawi.

Pero nagkamali ang marami when Viva’s contract star Yassi Pressman was formally introduced.

The Fil-British inger, actress, dancer, celebrity endorser and entrepreneur feels elated na maging Calendar Girl ng isang kilala and iconic brand, ang Ginebra San Miguel.

Sinundan ni Yassi ang 2021 Calendar Girl, ang Kapamilya actress, social media influencer at ex-PBB housemate na si Chie Filomeno at kahilera na rin niya ang mga past Calendar Girls ng Ginebra San Miguel tulad ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach, Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, one of Viva’s prime stars na si Anne Curtis, ang Kapuso actress na si Kim Domingo, another Kapuso star na si Sanya Lopez at iba pa.

Si Yassi ang pinakamatagal na naging leading lady ni Coco Martin sa longest-running action-drama series nitong “FPJ’s ang Probinsyano” na nagtapos sa ere nung August 12, 2021.

Si Yassi rin ang host ng TV franchise ng game program na “Rolling In In Philippines” na napanood sa TV5.

Yassi has finally admitted having in a relationship with Canada-based businessman na si Jon Semira last July. Bukod sa sarili nitong mga negosyo, he also co-founded the pet accessories line, ang Presidential Pawsclub kung saan niya ka-sosyo ang magkapatid na Yassi at Issa Pressman.

TopacioTopacio1

Fair chance, hiling ni Atty. Topacio sa MMFF

UMAASA ang baguhang movie producer ng Borracho Films na si Atty. Ferdie Topacio na sana’y mabago na ang matagal nang provision sa annual Metro Manila Film Festival na kapag mahina ang isang kalahok na pelikula ay ipu-pull out ito kaagad sa mga sinehan to give way sa mas malalakas ng pelikula kaya hindi na ito nabibigyan pa ng pagkakataon na makabawi.

Ayon sa very vocal na lawyer-producer, sa ibang bansa, ang mga film festival ay nabibigyan ng fair chance ang participating movies from the start up to the end of the festival, malakas man o mahina.

“I’m speaking on behalf of all the producers, malaki man o maliliit. Hindi ko ito sinasabi dahil may kalahok akong pelikula in this year’s filmfest (“Mamasapano: Now It Can Be Told”) kundi kahit noon pa man ay naging very vocal na ako tungkol dito,” pahayag niya.

“Kawawa kasi ang mga producer na hindi maganda ang performance ng mga pelikula sa unang araw ng festival,” dugtong pa niya.

Ayon sa batikang abogado-turned producer, malaking challenge pa rin sa lahat ng producers maging sa MMFF ang darating na festival dahil reluctant pa rin ang maraming manood na magsipunta ng mga sinehan kahit nagluwag na ang health protocols dahil sa rami na ng alternatibo at kasama na rito ang Netflix, Vivamax, Viu, ktx.PH, iWantTFC at iba pang digital platforms.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE