BI Source: Bureau of Immigration

BI, CFO inilunsad system para sa mga ports entry, exit

March 16, 2024 Jun I. Legaspi 199 views

INILUNSAD ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang joint system sa Commission on Filipinos Overseas (CFO) para sa mga ports entry and exit.

Ang naturang sistema na inilunsad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ay resulta ng kasunduan ng BI at CFO noong Mayo, 2023.

Layun nito na magbigay ng simplified at mas epektibong proseso, pangongolekta, pagberipika at sharing ng mga impormasyon at datos na kailangan ng or CFO at BI.

Ito ay interconnected system sa pagitan ng dalawang ahensya para sa real-time verification ng certificates na iniisyu CFO sa pagharap sa immigration officers.

Layun ng joint system na solusyunan at sawatain ang illegal recruitment, human trafficking, at irregular migration incidents sa Pilipinas habang naggegenerate ng accurate data sa migration.

“Interoperability is an important part of modern governance,” said BI Commissioner Norman Tansingco. “The integration of our systems to share real-time data will provide streamlined and efficient services to the public,” dagdag nito.

Kaugnay nito, inihayag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na isang babaeng biktima ang naharang makaraang magpresinta ng bogus CFO certificate sa Clark International Airport (CIA) Terminal 2.

Alinsunod sa batas, ang mga Filipino emigrants na permanente nang umaalis sa bansa ay obligadong magrehistro sa CFO at makakuha ng certificates na dumalo sila sa commission’s pre-departure orientation seminar o peer counselling sessions.

Tinangka ng babaeng biktima na umalis patungong Busan noong March 13 nang maharang sya ng immigration officers.

Natuklasan na counterfeit o peke ang kanyang CFO certificate na nakuha niya sa pamamagitan ng Facebook sa halagang P8,500.

Inirefer ito sa inter-agency council against trafficking (IACAT) para sa paghahain nh kaukulang kaso sa source ng fake document.

Sinabi ni Tansingco na ang joint system ay magbibigay daan sa immediate detection ng fake CFO certificates at maiiwasan ang kalokohan sa mga susunod na panahon.

AUTHOR PROFILE