Bea Alonzo Larawan mula sa IG/@beaalonzo

Bea Alonzo: I don’t believe in marriage

September 16, 2023 People's Tonight 310 views

SA pinakalatest YouTube vlog ng award-winning actress na si Bea Alonzo kasama si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, inamin niyang hindi raw siya naniniwala sa kasal noon.

Napag-usapan kasi nina Bea at Michelle ang relationship status ng beauty queen.

Natanong kasi ng aktres si Michelle kung may dine-date ba ito sa kasalukuyan at sinagot naman niya na wala. Sumang-ayon naman ang lie detector test sa sagot ni Michelle kung saan siya nakasalang.

“I’ve dated a variety of different types of people naman, and I think it’s really just trying to find the right one,” pahayag ng Miss Universe Philippines 2023.

Pinaliwanag din ni Michelle na hanggang ngayon ay hindi siya naniniwala sa kasal hangga’t hindi niya natatagpuan ang tamang tao.

“So as of now, I still don’t believe in marriage. I don’t believe in marriage until I find the right one,” wika pa ng beauty queen.

Nagbigay din ng kanyang saloobin si Bea at inamin ngang gaya ni Michelle, hindi rin daw siya umano naniniwala sa kasal noon.

“I used to not believe in marriage. There was a time in my life, na-share ko nga sa vlog, na hindi ako naniniwala na sa marriage,” saad ng aktres.

Pero nag-iba raw ang pananaw ni Bea sa kasal nang dumating sa kanyang buhay ang aktor na ngayon ay kanya nang fiancé na si Dominic Roque.

“But nung dumating si Dom, at tinanong niya ako… Suddenly, it felt right! It felt like I was doing the right thing,” sey pa ni Bea.

AUTHOR PROFILE