Cloud9 CLOUD 9–Laking pasasalamat ng ina ng sanggol na napaulat na tinangay dahil maayos na naibalik sa kanya ang kanyang anak. Kuha ni Jon Jon Reyes

Batang tinangay nakuha sa Baclaran

February 19, 2024 Jonjon Reyes 179 views

NAKAHINGA ng maluwag ang ina nang makuha ang 7-buwang gulang na anak niya na ni-report niya sa Manila Police District (MPD) na nawala noong Biyernes.

Sa ulat ng pulisya, nakipagkita ang ina ng sanggol na si Alpha Mercado sa babaeng umano’y tumangay sa kanyang anak sa Baclaran, Paranaque noong Linggo.

Ayon sa babae, hindi niya tinangay ang bata kundi napilitan siyang iuwi dahil ayaw kunin ng lolo ang sanggol.

Ibabalik naman niya talaga ang bata dahil may sariling siyang pamilya.

Ayon kay P/Major Joemar Mukarram, commander ng MPD-Jorge Bocobo Substation, nag-text ang babae noong Sabado at nakipagkita kay Mercado sa Baclaran station ng LRT para isauli ang sanggol.

Dagdag pa ni Mukarram, nasa maayos na kondisyon ang sanggol.

Pinayuhan ni PLt. Col. Wilfredo Fabros ng MPD Ermita Police Station 5 ang mga magulang na tutukan mabuti ang kanilang mga anak at ‘wag basta-basta magtitiwala sa mga hindi kilalang tao.

AUTHOR PROFILE