Huli ANO MGA PARDS?–Kinakausap ni P/Lt. Col. Ness Vargas ang mga natimbog na suspek dahil sa panggugulo sa Parola compound sa Binondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 lalaki nag-amok, sa selda pasok

February 20, 2024 Jonjon Reyes 490 views

HINULI ng mga parak ng Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU) ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 ang dalawang lalaki na nag-aamok sa Gate 16, Area D, Parola Compound Binondo, Maynila noong Lunes.

Dinisarmahan ang mga suspek na sina alyas Jeff, 28, at Boboy, 31, security guard, 31, at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandal), Art. 282 (Grave Threat) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), ayon kay Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, hepe ng MPD Delpan Police Station 12.

Bandang alas-12:10 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag mula sa ilang concerned citizen kaugnay sa dalawang naghahasik ng gulo sa nasabing lugar.

Sa pangunguna nina Police Corporal Daniel Saligumba at Patroman Jerome Castillo, namataan ang dalawang suspek na armado ng Glock 19 na may limang bala.

Hindi na nakaporma pa ang dalawang suspek nang makita ang mga awtoridad at tuluyang naaresto.

AUTHOR PROFILE