Fire

Batang lalaki, 3, nilamon ng apoy

January 24, 2024 Gil Aman 114 views

ISANG tatlong taong batang lalaki ang nilamon ng apoy nang masunog ang kanilang bahay sa F. Urra St., Poblacion 1, Nagcarlan, Laguna, Martes ng hapon.

Hinihinalang nabagsakan ng debris ang biktima habang palabas ng nasusunog na tahanan.

Kasalukuyang nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng BFP – Nagcarlan Fire Station ang pinagmulan ng sunog. Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay rumesponde din sa nasabing insidente.

Nakipag-ugnayan na rin ang Municipal Social Welfare and Development Office at MDRRMO ng pamahalaang bayan ng Nagcarlan sa pamilyang nasunugan para sa mga maaaring itulong ng lokal na pamahalaan.

AUTHOR PROFILE