Armaine

Basag-trip na komento ni Noli sa kasalang ArMaine, nag-viral

July 29, 2023 Vinia Vivar 290 views

Inulan ng batikos sa social media si Kabayan Noli de Castro matapos siyang magbitaw ng one-liner hinggil sa katatapos na kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza kahapon, July 28, sa Baguio City.

Ibinalita ni Gretchen Fullido sa showbiz segment ng “TV Patrol” kagabi ang Arjo-Maine wedding at pagkatapos nito ay nag-react ang news anchors sa nasabing kasalan.

Masayang binati nina Karen Davila, Bernadette Sembrano at Henry Omaga-Diaz ang newlyweds pero tila “binasag” ni Kabayan Noli ang masayang mood sa kanyang comment.

“Kayo habang kinakasal, kawawa naman ‘yung mga binagyo,” ang sabi niya.

Sabay na napa-react sina Karen at Bernadette ng “’eto naman.”

Patuloy ni Noli, “Si Egay na kalalabas lang ay may papalit naman na si Falcon. At ang possibility na maaaring ang dinaanan ni Egay ay daanan din ni Falcon at mabigat ‘yan na pasanin sa mga kababayan na hindi pa rin nakakabangon hanggang ngayon. ‘Andoon pa rin sa lugar kung saan napinsala sila ng bagyo at binabaha.”

Hanggang sa nagtuluy-tuloy na ang usapan nila sa bagyo at hindi na na-mention pa sina Arjo at Maine.

Gayunpaman ay hindi nagustuhan ng netizens, lalo ng ArMaine fans, ang binitiwang linya ni Kabayan. Kaagad itong nag-viral at katakut-takot na pangba-bash ang inabot ni Ka Noli.

Narito ang iba’t ibang reaksyon ng netizens:

“Kabayan I feel you Kasi Aldub Fan din kami Friend mo po ba si Aling Mila. Hindi lang Armaine ang kinasal sa Araw na yun marami din po kaya wag mo idamay yung mga kinakasal sa araw na yun kasi Wala po silang kinalaman sa Bagyo at sa Klima ng panahon natin Kabayan Noli De Castro.”

“How Noli De Castro killed everyone’s mood.”

“Isang taon nila plinano to. Ano gusto nyo iurong kasal?”

“Ano ‘to? parang kasalanan pa ni maine & arjo na may bagyo at ngayon kasal nila? kaloka ha nakakasira ng mood ‘yung pagsingit ni noli de castro.”

“Ano to Mr. Noli De Castro? Pointless ka. Ano gusto mo iurong kasal in a very short span? Like 3 days? Okay ka lang?”

“What’s wrong with you Noli De Castro? Anong kinalaman nina Maine at Arjo sa bagyo?”

“Kasalanan ba nina Maine at Arjo na may bagyo?”

“Matagal na pong napagplanuhan ang kasal, bakit may mga ganyan?”

“Napaka-insensitive naman po ng comment…”

“Noli De Castro Malay ba nilang Darating si Egay last year pa Yan pinag handaan Mr. de Castro..”

As we write ay wala pang pahayag si Kabayang Noli tungkol dito, gayundin sina Arjo at Maine.

AUTHOR PROFILE