Default Thumbnail

Barko sumadsad, 24 na pasahero ligtas

July 24, 2023 Zaida I. Delos Reyes 257 views

DALAWAMPU’T apat katao ang nailigtas sa sumadsad na domestic vessel sa Cababbaran City, Agusan del Norte noong Linggo.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard, sumadsad ang LCT Pacifica 2 sa dagat sakop ng Barangay Cabinet, Cabanbaran City.

Nagdeklara ang kapitan ng barko ng “Abandoned vessel” dahil sa malakas na hangin at malalaking alon na dulot ng bagyong Egay sa lugar.

Agad nirespondehan ng mga tauhan ng PCG ang barko at inihatid sa ligtas na lugar.

Nasa ligtas na kalagayan na ang 24 crew members ng barko kabilang ang kanilang kapitan.