Honey Ayon kay PESO Director Fernan Bermejo, ang Barangayan Job Fair na inisyatiba nina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto ay isinakatuparan upang mapadali sa kanilang pag-aaplay ng trabaho ang mga Manileño. File photo ni JONJON REYES

Barangayan Job Fair handog nina Mayor Honey, VM Yul

August 1, 2022 Edd Reyes 635 views

INILAPIT ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga Manileño ang pagkakataong makapag-aplay ng trabaho sa pamamagitan ng inihandog na “PESO on the Road, Barangayan Job Fair” na gaganapin ng Lunes, Agosto 01, 2022.

Sinabi ni Mayor Honey Lacuna-Pangan na ang aktibidad para sa mga naghahanap ng trabaho ay gaganapin sa Fugoso Covered Court na nasa kanto ng Mithi at Zaragosa Streets, Barangay 28, Tondo na magsisimula ng alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ayon kay PESO Director Fernan Bermejo, ang Barangayan Job Fair na inisyatiba nina Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto ay isinakatuparan upang mapadali sa kanilang pag-aaplay ng trabaho ang mga Manileño.

“Tuloy-tuloy po ang ating tulong sa mga kababayan upang kahit paano ay makahanap sila ng kanilang hanapbuhay sa pamamagitan ng ating Pamahalaang Lungsod,” pahayag ng alkalde.

Nagpaalala rin si Mayor Honey sa mga nagnanais na magtungo sa lugar upang makapag-aplay ng trabaho na magdala ng kanilang sariling itim na ballpen, 10 o higit pang resume, pamaypay para panlaban sa init habang nakapila o payong kung sakali at umulan, tubig na inumin at meryenda upang hindi magutom dahil inaasahan na ang mahabang pila.

Sinabi pa ng alkalde na bukod sa Barangayan Job Fair, tuloy din ang pagsasagawa ng local recruitment activity sa araw din ng Lunes, Agosto 01, 2022 na gaganapin naman sa PESO Annex sa loob ng Park N’ Ride Building na nasa kanto ng Antonio Villegas at Dr. Basa Streets, sa tapat lang ng Arroceros Forerst Park, Ermita, Manila.

AUTHOR PROFILE