Awarding Makitang ipinagkakaloob ni MPD Director PBGen. Leo Francisco kay Dr. Joyce Michelle Ambray ang isang memento ng Hesus Nazareno at certificate of appreciationhabang nakamasid sina Imad Ammar, ng Advisory Group, PCol.Dario Menor, mg MPD-DDDO at PCol. Arnold Thomas Ibay, ng MPD CDDS. Kuha ni JONJON REYES 

Mga Pulis Maynila pinarangalan

August 1, 2022 Jonjon Reyes 437 views

NAGING matagumpay ang isinagawang pagbibigay parangal sa mga natatanging indibidwal na nagpakita ng kanilang talento pagdating sa sining at ilang Pulis Maynila na nagpakita ng dedikasyon sa kanilang serbisyo sa awarding at culminating ceremonies ng 27th PCR Month 2022.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Rotary Club District 3810 na pinangunahan nina Dr. Joyce Michelle Ambray District Governor at Bing Carreon kasama si Glen Leonardo ng Rotary International District 3810.

Ang pamunuan ng MPD sa liderato ng butihing District Director, Police Brig. Gen.Leo “Paco’ Francisco ay lubos na nagapapasalamat sa matagumpay na kaganapan.

Kabilang sa nabigyan ng special award at hinirang na outstanding policemen ng lungsod sina PCol. Julius Anoñuevo, hepe ng MPD-District Mobile Force Batallon, PLt.Col.Orlando Mirando commander, ng MPD Sta Ana Police Station 6, PLt.Col.Rodel Borbe, commander ng MPD Baseco Police Station 13 at PMaj. Robert Fajardo, Deputy Commander ng MPD- Sta.Cruz Police Station 3.

Kabilang sa mga dumalo ay sina PLt. Col. Gene Licud ng MPD Station.1.PLt. Col. Harry Ruiz Lorenzo, Station 2,PLt. Col.Jonathan Villamor Station 3 sa Sta Cruz, PLt.Col.Robert Domingo ng Stn.7 sa Abad Santos, PLt.Col.Dionelle Brannon ng Stn.8 sa Sta Mesa Manila; PLt. Col. Salvador Tangdol ng Stn. 9 sa Malate Manila,PLt.Col.Dennis Villanueva Rodrigue, ng Pandacan Police Stn. 10,PLt.Col.Magno Gallora ng MPD Stn 11 sa Binondo at PLt.Col.Ramon Nazario ng Stn. 14 ng Globo de Oro sa Quiapo Manila.

Binigyan ni Francisco si Dr. Joyce Michelle Ambray ng isang memento ng Hesus Nazareno at ng certificate of appreciation bilang pasasalamat sa kanilang suporta sa MPD.

AUTHOR PROFILE