Default Thumbnail

Bangkero Festival sa Pagsanjan nagsimula na

April 27, 2023 Gil Aman 512 views

NAGSIMULA na ang makulay na pagdiriwang ng “Bangkero Festival” na tatagal ng apat na araw mula Abril 27 sa pangunguna ni Pagsanjan Mayor Cezar Areza na may temang “Aarangkada Turismo, Aasenso Bankero, Pagsanjan Sama-sama Tayo.”

Sa ginawang pulong pambalitaan kasama si Areza nitong Miyerkules, inihayag ng alkalde ang mga paghahanda para sa festival kasama ang mga department heads upang maging maayos ang pagdaraos nito na tanyag sa probinsya ng Laguna.

Sa unang araw ng Bangkero Festival ay itatampok ang fun run, bazaar launch ng Department of Trade and Industry (DTI), Grand Parade “Mardi Gay”, at “Gabi ng Musika” na ibinida ng lokal na pamahalaan ng Pagsanjan.

Magkakaroon ding ng “Most Decorated Kalesa and Tiburin Exhibition,” car show, at Bangkero Night sa ikalawang araw ng festival.

May “Motor Ride Biyahe sa Pagsanjan,” motor show, at “Akay ni Sol Night” na gaganapin sa ikatlong araw naman.

Sa huling araw ng pagdiriwang, magaganap ang Palaro sa UBAP Triathlon, fluvial parade river control painting, vlog competition, “People’s Night,” at “Grand Finals Foam Party.”

Sinabi rin ng Pagsanjan mayor na ang naturang festival ay patuloy na dinarayo ng lokal at banyagang turista at nais nilang palaguin ang tourism industry ng bayan para sa karagdagang hanapbuhay ng mga mamamayan.

AUTHOR PROFILE