Default Thumbnail

47, BINATANG NEGOSYANTE TIMBOG HABANG KUMUKUHA NG PNP CLEARANCE SA ISTASYON

June 25, 2024 Steve A. Gosuico 196 views

SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Hindi na nakaporma pa ang isang 47-anyos na negosyante na kumukuha ng Philippine National Police clearance dito sa himpilan ng pulis matapos siyang arestuhin nang mapag-alaman na mayroon siyang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg.22 nitong Lunes.

Ayon kay Major Rommel C. Nabong, hepe ng pulis, ang naarestong binatang suspek ay naninirahan sa Purok 4, Bgy. San Mariano ng bayang ito.

Nasa himpilan ang suspek bandang 10:25 a.m. at hinihintay na maproseso ang kanyang police clearance nang makita sa e-records na may arrest warrant siya sa nasabing kaso na ipinalabas ng Metropolitan Trial Court, City of Makati na may petsang December 1, 2020 at may piyansang inirekomenda sa halagang P66,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE