Default Thumbnail

Balak ng China na arestuhin mga trespassers may malaking latay

June 18, 2024 Chona Yu 68 views

TIYAK na may malaking latay sa China ang balak nitong pag-aresto sa mga trespassers sa South China Sea.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni Dr. Froilan Calilung, political analyst at direktor ng Local Government Development Institute na dapat na maghinay-hinay ang China sa balak nito.

Tiyak kasi aniyang lilikha ng malawakang pagkondena mula sa international community sakaling magsagawa nga ng pag-aresto ang China.

Ayon kay Calilung, hindi lang naman sa Pilipinas nakatuon ang banta ng China kundi sa lahat ng dayuhang papasok daw sa inaangkin nilang teritoryo.

Kapag nagkataon, magkakaroon anya ito ng latay sa China partikular sa kanilang ekonomiya.

Ayon kay Calilung, ka-transaksyon din ng China ang ibang mga bansa na pumapanig sa Pilipinas at hindi malayong magpatupad ang mga ito ng economic sanctions.

Sabi ng political analyst, hindi gugustuhin at hindi hahayaan ng China na humina ang kanilang ekonomiya kaya mag-iisip rin ito bago gumawa ng isang bagay na may negatibong epekto sa kanilang bansa.

AUTHOR PROFILE