Luis

Baby Peanut, ipinakilala nina Luis at Jessy

January 8, 2023 Vinia Vivar 459 views

Jessy

Opisyal nang ipinakilala sa publiko ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang first baby na si Isabella Rose Tawile (Rosie for short).

Yes, inanunsyo na nga ng celebrity couple sa kani-kanilang Instagram accounts na isinilang na ni Jessy si “Baby Peanut” at ipinasilip na rin nila ang sanggol sa publiko.

Kamay pa lang ni Baby Peanut ang ipinakita ni Jessy na may caption na, “I never knew I could love this.”

Si Luis naman ay nag-post ng larawan na karga-karga niya ang supling without showing her face.

Sa caption ay ni-reveal na niya ang full name ni Baby Peanut.

“Hi Peanut. Isabella Rose Tawile Manzano,” caption ni Luis.

Wala pang gaanong detalye tungkol sa panganganak ni Jessy, but for sure, ilalabas nila ito sa kanilang YouTube vlog.

Congrats, Luis and Jessy!

Carlo3

CARLO, LAST YEAR PA NAKASAMA ANG ANAK KAY TRINA

Umamin na si Carlo Aquino na nasa dating stage sila ni Charlie Dizon at kasama niya ang aktres sa La Union with his family nitong New Year.

“Getting to know,” ang deskripsyon niya sa relasyon nila ni Charlie.

“Ang positive kasi ng buong pagkatao ni Charlie, eh, ni April (real name ni Charlie). Gusto ko ‘yung tawa niya, kung paano siya with other people,” paglalarawan ni Carlo kay Charlie.

Dagdag pa niya, “Pagka kasama ko siya, feeling ko, I belong.”

Bongga na ang career, bongga pa ang love life, ang tanging hiling niya ngayon ay magkaroon sila ng oras together ng anak nila ni Trina Candaza na si Mithi.

Ani Carlo, gagawa siya ng paraan to see his daughter.

“Hindi ko pa alam kung paano, kasi hindi ko pa nararanasan itong ganito. Pero ‘yung lang naman ang hinihiling ko — time with my daughter at saka sana, makasama ko ang parents ko,” sey pa niya.

October last year pa nang huli niyang makasama ang anak. Matatandaan na April, 2022 naman umamin si Carlo na hiwalay na nga sila ni Trina.

AUTHOR PROFILE