Default Thumbnail

Babae tumalon mula sa footbridge sa QC, dedo

October 5, 2022 Melnie Ragasa-limena 1090 views

INAALAM ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang batang babae na tumalon umano sa isang footbridge sa Quezon City Miyerkules ng madaling araw.

Ang biktima ay nasa pagitan ng edad 15 hanggang 17, nakasuot ng black shirt at pajama, at may taas ng 5’2” hanggang 5’4”.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station (PS-1), ang insidente ay naganap bandang 1:55 ng madaling araw (October 5), sa kanto ng Quezon Avenue at Mayon sa Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Von Ryan Signap ng PS-1, nasaksihan umano nina Ezekiel Francisco,15, at Buboy Soriano, 17, ang ginawang pagtalon sa footbridge ng dalagita.

Ayon sa mga nakasaksi, nakita nila ang akma pa lamang na tatalon ang dalagita sa tulay kaya sumigaw sila ng…“ May tatalon sa footbridge “ upang impormahan ang mga taong naglalakad sa lugar.

Kasabay nang pagsigaw ng mga saksi ay sabay talon ang dalagita mula sa tulay at lumagapak sa semento sa kalsada dahilan upang magkagulo ang mga taong naglalakad sa lugar.

Sa lakas impact ay nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang mga braso at paa nang biktima.