Default Thumbnail

Elderly Filipino Week, ipinagdiwang sa Maynila

October 5, 2022 Edd Reyes 260 views

Monthly allowance ng mga SCs, inilabas na

SINIMULAN ng ipamahagi nito lang araw ng Martes ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang buwanang allowance ng mga matatanda, kasabay ng paggunita sa “Elderly Filipino Week” tuwing Oktubre 1 hanggang 7.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang na-update ng P500 buwanang allowance ng mga senior citizen (SC) para sa mga buwan ng Mayo, Hunyo, Hulyo, at Agosto ng kasalukuyang taon ay kasalukuyan nang ibinibigay sa mga matatandang naninirahan sa ikalawang distrito ng lungsod matapos makumpleto ang pamamahagi nito sa unang distrito.

“Sunod-sunod na po iyan, matapos po ang District 1 at 2, sa District 3 naman po, tapos sa District 4, 5, hanggang sa District 6. Asahan po ninyo ang patuloy na pagkalinga at pagmamahal na ipadarama natin sa Maynila para sa lahat ng ating mga nakatatandang Manilenyo,” pahayag ng alkalde sa kanyang pagbibigay ng abiso sa mga Manilenyo Miyerkules ng umaga.

Ipinahayag pa ni Mayor Honey Lacuna na bilang bahagi ng pagdiriwang ng Filipino Elderly Week sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pagpapahalaga sa mga matatandang Manilenyo, nagsagawa rin sila ng libreng pagbabakuna sa mga nakatatanda sa pakikipagtulungan ng Manila Health Department (MHD).

Bukod sa libreng pagbabakuna, sinabi ng alkalde na ang lahat ng mga matatandang naga-apply ng kanilang senior citizen ID sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ay kanilang pinagkakalooban ng libreng tinapay at gatas habang hinihintay ang kanilang ID.

AUTHOR PROFILE