Vilma

Ate Vi sa ‘di pagkakahirang bilang National Artist: There is always a time for everything

June 16, 2022 Vinia Vivar 470 views

Masaya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa pagkakahirang ng former arch rival at kumareng si Nora Aunor bilang National Artist.

Ipinahayag niya ito sa kanyang mga Vilmanian na nagtataka at nagtatanong na hindi napili si Ate Vi bilang isa sa National Artists.

Kumalat ang screenshot ng pahayag ni Ate Vi sa kanyang Vilmanians.

“Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way. And yes, there is always a time for everything,” simula ni Ate Vi.

Patuloy niya, binabati niya ang lahat ng hinirang na National Artists at bigyan daw natin ng pagpupugay.

“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat.

“Isang pagpupugay ang dapat natin ibigay sa ating bagong set of National Artists. Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga- hanga. I sincerely congratulate all of them.

“Mabuhay kayo mga Vilmanian,” pahayag ni Ate Vi.

AUTHOR PROFILE