Arjo

Arjo Atayde nakiisa sa pagdiriwang ng LGBTQ+ Pride Month

March 24, 2022 People's Tonight 135 views

NAKIISA si Arjo Atayde, na tumatakbo bilang Kongresista ng Unang Distrito ng Quezon City, sa pagdiriwang ng LGBTQ+ Pride Month kasama ang libu-libong mga miyembro ng komunidad.

Idinaos ang makulay na selebrasyon sa Amphitheater Quezon City Memorial Park kung saan nakasama ni Atayde ang kanyang mga magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez, pati na rin ang mga miyembro ng Team Aksyon Agad na kinabibilangan ng mga kumakandidatong mga Konsehal ng Unang Distrito ng Quezon City na sina Doray Delarmente, TJ Calalay, Joseph Juico, Bernard Herrera, at Charm Ferrer.

Isinusulong ni Atayde at ng Team Aksyon Agad ang mga karapatan ng LGBTQ+ Community na magkaroon ng trabaho at pangkabuhayan at pati na rin ang kanilang karapatan laban sa karahasan at diskriminasyon.

AUTHOR PROFILE