Padilla

Ang naging struggle ni Zsa Zsa bilang teenage mom

September 7, 2022 Aster Amoyo 8667 views

DIVINE Diva Zsa Zsa Padilla became a mother at age 16 sa kanyang panganay na si Karylle (sa kanyang ex-husband na si Dr. Modesto Tatlonghari). She was 18 naman nang maging isang professional singer at naging dahilan kung bakit hindi niya natapos ang kanyang college education.

Maraming struggle ang pinagdaanan ni Zsa Zsa growing up at kasama na rito ang kanyang pag-aasawa nang maaga and becoming a teen-age mom. She’s the fourth of six siblings. Ang kanyang ama ay ang retired actor at boxing referee na si Carlos `Sonny’ Padilla at pinsan niya ang actor na si Robin Padilla. She’s also the first cousin of Lorna Tolentino and Amy Perez.

It was in 1989 when Zsa Zsa eloped to the U.S. with comedy king Dolphy who’s 36 years her senior. Pero ang yumaong actor-comedian ang kanyang pinakamatagal na naka-relasyon na kamuntik pang mauwi sa pagpapakasal when she was 40 years old. Nang hindi ito matuloy dahil sa legal implications sa side ni Zsa Zsa, she was depressed.

When the singer-actress got her final annulment from her first marriage, may sakit na noon si Dolphy hanggang sa ito’y pumanaw nung July 10, 2012 at hindi na nangyari ang plano nilang pagpapakasal.

Si Zsa Zsa ay nagkaroon ng dalawang anak kay Dolphy, ang kanilang adopted daughter na Nicole at biological daughter na si Zia who recently got married to a Serbian national in Serbia.

Two years later matapos sumakabilang-buhay ang comedy king na si Dolphy, Zsa Zsa was introduced by her good friend, ang megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang kaibigang architect na si Conrad Onglao na naging kasintahan niya eventually.

It was last March 2022 nang i-celebrate ng couple ang kanilang 8th anniversary bilang partners.

There was an earlier plan na magpapakasal ang dalawa in Italy pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nangyayari.

Whenever Zsa Zsa and Conrad are free from their schedules, the couple spend more of their time in Casa Esperanza, ang two-hectare farm house in Lucban, Quezon na bukas na rin ngayon sa publiko.

The farm was named after Zsa Zsa whose real name is Esperanza Perez Padilla.

Umaasa ang Divine Diva na si Conrad na ang makakasama niya habambuhay.

Karyl

Karylle at Yael walong taon na pero wala pa ring anak

SAMANTALA, mahigit walong taon na rin ang pagsasama bilang mag-asawa ng panganay ni Zsa Zsa Padilla na si Karylle at mister nitong vocalist-musician ng rock group na Sponge Cola na si Yael Yuzon.

Karylle who is Ana Karylle Padilla Tatlonghari-Yuzon in real life, married Yael nung March 21, 2014 in Silang, Cavite. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyaan ang couple ng anak.

Si Karylle ang kaisa-isang anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa sa kanyang ex-husband na isang dentista na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Karylle was in a relationship before with Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes bago nito naging kasintahan at naging misis si Marian Rivera.

Si Karylle ay regular na napapanood sa long-running noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” bilang isa sa hosts.

Beks

Beks Battalion tagumpay ang unang concert

MASAYANG-masaya ang stand-up comedians, actors and vloggers na sina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez na bumubuo ng Beks Battalion dahil successful ang kanilang first attempt sa major concert scene last August 26, 2022 sa New Frontier Theater in Quezon City. Pinamagatang “Beks 2 Beks 2 Beks” na dinirek ni GB Sampedro, the concert was produced by Viva Live na siyang unang nagtiwala sa tatlo na mag-concert.

Si Vice Ganda ang isa sa special guests ng Beks Battalion sa kanilang first major concert.

Dahil sa malaking tagumpay ng “Beks 2 Beks 2 Beks” concert, inaasahan ng kanilang mga followers na magkakaroon ito ng repeat in a much bigger venue tulad ng Araneta Coliseum at MOA Arena na kayang punuin kung pagbabasehan ang kanilang milyung-milyong followers and subscribers sa kanilang YouTube channel.

Unang nakilala sa mga comedy bars sina MC at Lassy at sumunod naman si Chad na naging `anak-anakan’ ng dalawa. Sa pagdaan ng panahon ay naging best of friends ang tatlo hanggang mabuo ang kanilang Beks Battalion group.

Ang pangalan ng grupo ay inspired ng hip-hop group na Ex-Battalion. Since mga beki ang tatlo, ginawa nila itong Beks Battalion na agad namang nag-click.

Chad, MC and Lassy are Richardson de la Cruz, MC Calaquian and Reginald Marquez in real life.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Istagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE