Market

Ang inplasyon

May 29, 2023 People's Tonight 205 views

SA buong daigdig, kasama na ang Pilipinas, ang isa sa mga pangunahing problema ng taumbayan ay ang inflation o ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Lalo na ang mga mahihirap, partikular na ang mga walang trabaho, magsasaka, mangingisda at ibang ordinaryong manggagawa, sa kanayunan at kalungsuran.

Sa totoo lang, ang inflation o inplasyon ay nakakaapekto sa ekonomiya ng isang bansa.

Kaya nga tama lang na bumuo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang inter-agency committee “to ramp up government efforts to ease inflation” sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 28, ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) ay advisory body sa Economic Development Group (EDG).

Ang EDG ay ang dating Economic Development Cluster (EDC), ayon kay Pangulong Marcos, na mag-iisang taon na sa Palasyo ng Malacanang sa darating na Hunyo 30, 2023.

Ang IAC-IMO ay co-chaired ng hepe ng National Economic and Development Authority (NEDA) at kalihim ng Department of Finance. Ang vice chair ay ang budget secretary.

Ang mga miyembro ng IAC-IMO ay ang mga hepe ng Departments of Agriculture, Trade, Energy, Science and Technology, at Interior and Local Government.

Ayon sa report, ang inter-agency body ay “tasked to monitor the main drivers of rising prices of basic goods, notably food and energy, and their proximate sources and causes.”

Dapat ding magbigay ito ng mga napapanahong rekomendasyon sa EDG at ibang concerned state agencies kung paano i-address ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Talagang napakaraming kababayan natin ang natutuwa sa pagbuo ni Pangulong Bongbong Marcos sa Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook.

AUTHOR PROFILE