Crime

Ama napatay sa utang ng anak na P1,700

August 25, 2022 Dennis Abrina 554 views

ISANG ama ang namatay habang ang kanyang anak na lalaki ay sugatan matapos silang barilin dahil umano sa 5-6 noong Agosto 24, 2022 sa Bgy. F. Reyes sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Patay si Mario R. Napili, 66, construction worker, at resident ng 22A Strawberry Hills, Brgy., F. Reyes, GMA, Cavite. Kasalukuyang ginagamot ang kanyang anak na si Marlon V. Napili, 35, obrero, at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Jonarey G. Visca, officer-on-case, ang trahedya ay naganap 7 p.m. sa 22A Strawberry Hills, Brgy. F. Reyes.

Ang suspek ay nakilala lang bilang Fajad.

Sinisingil umano ng suspek si Marlon sa diumano’y utang nitong P1,700 at nagtalo sila.

Sa kainitan ng pagtatalo ay binaril umano ng suspek ang mag-ama.

Sinugod ang mag-ama sa CARSIGMA Hospital ngunit huli na ang lahat para kay Mario.

AUTHOR PROFILE