Alvarado magdadala ng kapayapaan, dev’t sa Bulacan

April 18, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 64 views

MULING dadalhin ni Bulacan gubernatorial bet Willy Sy-Alvarado ang lalawigan sa isang “bagong” bukas na may kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng “Pitong Puntong Programang Pangkaunlaran”.

Sinabi ni Vice Governor Alvarado na mayroong balakid ang pag-usad ng Bulacan sa isang progresibong lalawigan dahil sa masamang epekto ng pandemiyang coronavirus disease-19 (COVID-19) at iba pang mga problema.

Nangako si Alvarado, presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan, na muling babangon ang Bulacan sa pamamagitan ng kanyang mabuti at mahusay na pamumunong pinanday ng karanasan, kakayahan, at karunungan.

Kabilang sa mga programang pang-kaunlaran ng dating gobernador ang pangangalaga sa kalusugan na dapat maipagkaloob sa bawat Bulakenyo.

Sinabi Alvarado na isusulong rin niya ang magandang kalidad ng edukasyon upang palayain ang kabataan mula sa tanikala ng kamangmangan at kahirapan upang sila ay pumaimbulog sa rurok ng tagumpay.

Aniya, hindi rin mahuhuli sa kanyang liderato ang pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

Tiniyak ni Alvarado na itataguyod ng kanyang liderato ang isang matino, matapat at mahusay na pamamaha.

Sinabi ni Alvarado na pasisiglahin rin ng kanyang pamunuan ang kabuhayang pinatimlay ng pandemiya upang magkaroon ng pagkain sa lamesa ang mga Bulakenyo.

Naniniwala si Alvarado na mahalaga ring matutukan ang kapayapaan at kaayusan upang mabilis ang maging pag-asenso ng lalawigan.

Idinagdag nito na hindi rin mahuhuli ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng lalawigan.

AUTHOR PROFILE