Alden1

Alden nakakita ng mother figure kay Sharon

December 4, 2023 Aster Amoyo 246 views

Alden2Alden3LAST Sunday, December 3 ay isang grand press conference ang ginanap sa grand ballroom ng Novotel in Quezon para sa family drama movie na “Family of Two (A Mother and Son Story)” na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards mula sa direksiyon ng box office director na si Nuel Naval at panulat ni Mel Mendoza-del Rosario under Cineko Productions. Kasama rin sa movie sina Jackie Lou Blanco, Miles Ocampo, Pepe Herrera at iba pa.

Mag-ina ang role na ginampanan nina Sharon at Alden in the movie at agad nagkaroon ng instant rapport ang dalawa. Katunayan, kinu-consider ni Sharon na isa sa kanyang mga anak-anakan ngayon si Alden at Mama na rin ang tawag nito sa kanya. Ito rin bale ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama ang dalawa sa pelikula na pareho nilang ipinagmamalaki. First time din ng dalawa na makatrabaho si Direk Nuel and also their first project under Cineko Productions.

Bukod sa advance Christmas gift sa kanila ang pagkakasama ng kanilang pelikula sa MMFF, magsisilbi rin itong maagang birthday gift sa kanilang dalawa whose birthdays are just four days apart, January 2 si Alden at January 6 naman si Sharon.

Maraming discoveries and things in common sina Sharon at Alden after doing the film.

Masayang-masaya rin ang Megastar dahil muli niyang kasama sa movie ang isa sa kanyang closest friends in the business na si Jackie Lou Blanco na maraming beses na rin niyang nakatrabaho in her past films tulad ng “Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin,” “Friends In love,” “My Only Love” at iba pa.

Hindi ikinakaila ni Sharon na napanood niya ang award-winning family drama movie na “Family Matters” na dinirek din ni Direk Nuel at sinulat ni Mel del Rosario under Cineko Productions na isa sa mga kahalok sa 2022 Metro Manila Film Festival and fell in love with the movie na pinagbidahan nina Noel Trinidad at Liza Lorena at kung saan din kasama sina Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nikki Valdez, JC Santos, James Blanco at iba pa. Kaya tuwang-tuwa umano siya when she got an offer to co-star with Alden in “Family of Two” na ang tandem din nina Direk Nuel at Mel ang nasa likod.

Si Sharon ay huling napanood sa pelikulang “Revirginized” in 2021 na pinamahalaan ni Darryl Yap under Viva Films and was streamed on Vivamax but her last movie shown sa mga sinehan was in 2018, ang “Three Words to Forever,” her reunion movie with ex-boyfriend na si Richard Gomez at kung saan din nila kabituin si Kathryn Bernardo.

Ang “Family of Two (A Mother and Son Story)” ay magsisilbing second MMFF movie ni Alden. Nauna na rito ang “My Bebe Love:#Kilig Pa More” in 2015 na pinagsamahan nila ng kanyang dating ka-loveteam na si Maine Mendoza, Vic Sotto and Ai-Ai de las Alas mula sa panulat at direksyon ni Jose Javier Reyes and jointly produced ng OctoArts Films, M-Zet Film Production, APT Entertainment, GMA Pictures at MEDA Productions.

Speaking of Alden, hindi nito ikinakaila na malaki ang naitulong sa kanyang career ang kanilang loveteam noon ni Maine Mendoza gayundin sa huli.

Nabuwag man ang kanilang loveteam ni Maine, the fact remains na narating nila ang kanilang respective careers ngayon nang dahil sa kanilang tambalan noon na aksidenteng nabuo sa noontime program na “Eat Bulaga”.

Alden and Maine are both successful now sa kanilang respective solo careers.

Bukod sa pagiging matagumpay na singer, actor at celebrity endorser, si Alden ay isa ring successful entrepreneur.

Kung ang kanyang dating ka-loveteam na si Maine ay nag-asawa na sa actor-politician na si Arjo Atayde, nanatiling single si Alden, making him one of the most sought-after bachelors in showbiz.

Turning 32 on January 2, ang kanyang pamilya, career at negosyo ng kanyang priority sa ngayon pero umaasa ang kanyang supporters na sa taong 2024 ay may bagong girlfriend na itong ipapakilala sa publiko.

Samantala, ang pelikulang “Family of Two (A Mother and Son Story)” ay dedicated ni Alden sa kanyang yumaong inang si Rosario Faulkerson who died of pneumonia in 2008.

Inamin ng Kapuso prized singer-actor na ang kanyang yumaong ina ang kanyang naging inspirasyon nang gawin niya ang pelikula with his Mama Sharon.

Because of his longing for his late mother, he saw a mother figure in Sharon dahil sa pagiging caring nito at pagpapakita ng pagmamahal sa kanya tulad ng isang tunay na anak.

Bukod kay Coco Martin, anak-anakan na rin ang turing ng megastar kay Alden.

Alden will celebrate Christmas and New Year with his family in Manila but will spend his 32nd birthdY (with his family) in the U.S. at sa kanyang pagbabalik ay doon na naman siya sasabak sa trabaho.

During the press conference for the movie “Family of Two,” ibinahagi naman ni Sharon na ang kanyang pamilya ang kanyang kasama sa araw ng Pasko minus KC Concepcion na nagpaalam umano sa kanya that she will be spending her Christmas with her dad na si Gabby Concepcion and his family.

Miles tanggap na ang breakup nila ni Elijah

MilesMiles1IT was only last month nang kumpirmahin ng actor na si Elijah Canlas na hiwalay na umano sila ng kanyang dating kasintahang si Miles Ocampo after being in a relationship for two years.

Si Miles ay kasama sa pelikulang “A Family of Two (A Mother and Son Story” na isa sa sampung kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival.

Sa nakita namin sa actress-host ay mukhang tanggap na nito ang recent break-up nila ni Elijah sa tulong na rin ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Priority rin umano sa kanya ngayon ang pagmamahal niya sa kanyang sarili at sa mga taong nakapaligid sa kanya maging sa kanyang trabaho.

Ayaw din niyang mag-dwell sa kanilang break-up ng kanyang dating nobyo at sa halip ay positibo niyang hinaharap ang mga bagay na dumarating sa kanyang buhay.

Ang recent break-up nina Miles at Elijah ay isa lamang sa maraming hiwalayan among showbiz couples this year at kasama na rito ang pinag-uusapang paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Imelda umaasang tatangkilikin ng manonood ang biofilm

ImeldaImelda1HINDI man pinalad na makapasok sa 49th Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin” na pinagbibidahan ni Claudine Barretto kasama sina Alice Dixson, E. R. Ejercito, Maffi Papin, Gary Estrada at iba pa, umaasa ang tinaguriang Jukebox Queen at Asia’s Sentimental Songstress, ang singer-actress and former politician-turned film pproducer na si Imelda Papin na tatangkilikin pa rin ang kanilang movie kapag ito’y ipinalabas sa mga sinehan sometime in late January or early February next year.

Naging malaking tagumpay ang red carpet premiere ng pelikula na ipinalabas in three theaters ng SM Megamall kamakailan lamang na dinaluhan ng bumubuo ng cast at director na si Gabby Ramos at maraming VIP personalities.

Tuluy-tuloy din ang iba’t ibang block screenings ng pelikula produced ng Queen Star Film Production including sa iba’t ibang bansa.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga dumalo sa premiere ng movie namin at umaasa kami na tatangkilin ng mas nakararami ang pelikula namin kapag ito’y ipinalabas na sa mga sinehan,” pahayag pa ng singer, actress, former politician, Actors Guild of the Philippines president and film producer na si Imelda Papin.

MMFF 2023 entries alin ang mangunguna?

SAMPUNG pelikula ang opisyal na kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, December 25 at magtatapos on January 7, 2024 at ang mga ito ay ang “Family of Two (A Mother and Son Story),” “Penduko,” “K(ampon),” “Rewind,” “When I Met You In Tokyo,” “Becky and Badette,” “Mallari,” “Firefly,” “Broken Hearts Trip” and “GomBurZa”. Ngayon pa lamang ay may kani-kanya nang bet ang mga tao kung alin sa ten official entries ang mangunguna sa takilya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebbook@asteramoyo and X (Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE