Alden

Alden nagsalita tungkol sa kanila ni Kathryn

April 11, 2024 Eugene E. Asis 103 views

WHAT you see is what you get.

‘Yan ang sagot ni Alden Richards sa diretsahang tanong ng entertainment reporter na si Nelson Canlas tungkol sa totoong relasyon ngayon ng aktor sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Ito ay matapos makita siya sa dalawang birthday celebration ni Kathryn, una, sa Palawan, at pangalawa sa isang gastropub sa Quezon City kung saan ang isa sa may-ari ay mismong ang aktres.

At nag-viral ang sweet moments nila sa naturang party.

“I was invited, siyempre, it was part of Kathryn’s post birthday celebration with friends and family,” paliwanag ni Alden. “Ove the years naman, hindi nawala ang friendship namin.”

Unang nagkasama ang dalawa sa blockbuster movie na “Hello Love Goodbye” na ngayon ay pinag-uusapan na ang gagawing sequel na is-shoot sa Canada. Ang unang HLG movie ay ginawa sa Hong Kong at ang karakter ni Kathryn na si Joy ay nakatakdang pumunta ng Canada.

Samantala, ipinagmamalaki rin ni Alden ang unang pagkakataon na nakasama niya ang aktor na si Dennis Trillo sa bagong teleserye na ‘Pulang Araw’. “Ganun pala siya,” ani Alden tungkol kay Dennis. “Mabigat siya. (There was) a lot of emotions, a lot of shouting.Kaya malat ako ngayon. Kaya siya Dennis Trillo. Mahusay talaga. Idol din talaga si Kuya Dennis”

Bukod sa mga pinagkakaabalahang proyekto, may pinaghahandaang personal na pangarap si Alden. Kaya madalas siyang makikitang tumatakbo, na kung saan ang kanyang mga larawan ay nagiging viral online, may balak siyang sumali sa isang marathon.

AUTHOR PROFILE