Ajvince

AJ at Aljur, nasa ligawan stage pa rin

April 29, 2022 Vinia Vivar 367 views

Aminado si AJ Raval na masayang-masaya ang puso niya ngayon nang makatsikahan namin pagkatapos ng screening ng bago niyang pelikula sa Vivamax na Kaliwaan.

Siyempre, sino pa ba ang nagpapasaya kundi si Aljur Abrenica na matagal-tagal na ring nali-link sa kanya?

Pero ayon sa dalaga ay wala pa naman silang commitment ni Aljur.

Corny man daw pakinggan pero talagang nasa ligawan stage pa lang sila.

Since July last year ay nanliligaw na raw sa kanya ang aktor.

“Pero siguro po, malapit na rin po kami sa point na maging official, if ever po, hindi naman namin itatago,” ani AJ.

Samantala, sa Q&A after ng screening ay naging emosyonal si AJ nang matanong kung ano ang reaksyon niya habang pinapanood ang Kaliwaan lalo na nga ang matitinding eksena sa pelikula.

“’Yung reaksyon ko kanina, ‘ganito pala kaganda ‘yung film. Kasali pala ako dito,’ sabi ko sa sarili ko. Kasi nun’g sinu-shoot namin ‘yun, parang nagbe-breakdown ako the whole day. Ang akala ko talaga, ‘yung film, drama lang. So, hindi ko in-expect na ganu’n pala kaganda ‘yung story,” ani AJ.

Hanggang ngayon daw ay naaalala pa niya ang shooting na buong maghapon siyang umiiyak dahil napakabigat daw talaga ng mga eksena.

Pagkatapos daw ng shooting ay pumunta siya sa friend niya at iyak siya nang iyak.

Talaga raw nadala siya ng mga emosyon ng kanyang karakter.

Habang pinapanood nga raw niya ang torture scene ng leading man na si Vince Rillon ay para raw siyang hihimatayin.

“Nagtsi-chill ako, nagtatakip ako ng mata. Pero I don’t wanna miss the scene kasi ang ganda, ang ganda ng story, ang galing na aktor ni Vince,” pahayag pa ng sexy actress.

Mula sa direksyon ni Daniel Palacio produced by Brillante Mendoza, napapanood na ang Kaliwaan sa Vivamax.

DEBUT CONCERT, MATAGUMPAY

malaking tagumpay ang ginanap na Vax to Normal debut concert ng newest Pinoy pop (P-pop) all-female group na Calista sa Araneta Coliseum.

Sulit ang lahat ng pagod at hirap ng grupo sa training at paghahanda dahil mahigit kalahati ng Big Dome ang napuno (sa tantiya namin ay 60-70%) na more than enough na considering na nasa pandemic tayo ngayon at may restrictions pa rin naman.

Halatang sobrang pinaghandaan at ginastusan ang concert mula sa stage design, sa mga production number hanggang sa mga bigating guest tulad nina Yeng Constantino, Andrea Brillantes, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Ken San Jose at Darren Espanto.

Masaya ang grupo na binubuo nina Anne, Olive, Laiza, Denise, Elle at Dain after the concert.

“Sobrang grateful na nagkaroon kami ng opportunity na mag-perform with such big stars. ‘Yung feeling performing with them parang blessed ganoon, feeling blessed kasi siyempre iba ‘yung ganoon kapag nagpe-perform ka onstage and kasama mo pa ‘yung big stars,” sey ng group leader na si Anne.

Hindi naman ikinaila nina Laiza, Elle at Olive na nakaramdam sila ng pressure at kaba lalo pa nga’t mga sikat na artist ang nakasama nila plus the fact na sa Big Dome ang concert.

“Medyo nakaka-pressure kasi siyempre bigatin ‘yung mga nakasabay naming artista, eh. Tapos dito pa sa Araneta kaya grabe ‘yung pressure na naramdaman namin. Pero noong nasa stage na kami parang nawala ‘yung pressure kasi na-excite kami at sobrang saya to perform with them,” pahayag ni Laiza.

“Ako naman sobra akong kinakabahan kasi sino ba ang hindi sasaya na mag-perform sa Araneta and kasama pa namin ‘yung mga big star? Nakaka-pressure pero masaya,” sabi naman ni Elle.

For Olive naman, aniya, “’Yun nga, I was feeling nervous noong una, kasi siyempre, bigatin ‘yung mga guest. Pero noong nakasama na namin sila sa pagre-rehearse sobrang overwhelming at saka hindi lahat nakakapag-perform sa Araneta,”

Si Denise naman ay hindi pa rin makapaniwala na nakapag-perform siya with her idol, AC.

“Sobrang saya, sobrang grateful lalo ‘yung makasama si idol AC. Noong rehearsal nga nahihiya ako sa kanya eh,” sey niya.

Dagdag ni Dain, “Sobrang gaan nilang ka-work. Naging masaya kami at nag-enjoy kasama sila. Sobrang hina-hype nila kami when it comes to our perfomance. Sana maulit.”

Thankful din ang Calista sa suporta ng kanilang mga pamilya, kaibigan, fans, manager na si Tyronne Escalante, concert producer na Merlion Events Production Inc. at sa buong production team.

Naghahanda na ang grupo para sa kanilang second single pagkatapos ng hit single nilang Race Car.

AUTHOR PROFILE