Aiai

Ai-Ai, nagpasilip ng singit!

April 29, 2022 Jun Nardo 175 views

PASOK na pasok talaga sa character at image ni Ai-Ai de las Alas ang latest na natanggap niyang award – Most Exceptional Women Award of Excellence 2022.

Habang ang ibang babaing awardees ay naka-gown, ibang-iba ang suot na red gown ni Ai-Ai dahil tanga ang drama nito at lutang na lutang ang kanyang kaseksihan, huh!

Rumampa ang Comedy Queen sa red carpet nu’ng bigayan ng award sa isang five-star hotel kasabay ang director ng Mrs. Universe PHL Foundation na si Charo Laude.

Ipinagmalaki ni Ai-Ai ang video ng pagrampa niya sa Instagram at nagpasalamat sa recognition na iginawad sa kanya.

Eh, kung sa Raising Mamay series niya sa GMA, balut na balot si Ai-Ai, sa awards night, wala siyang pakialam na ipinasilip ang makinis niyang singit, huh!

Congrats, Ai-Ai and to your fellow awardees pati na rin si Daddy Wowie Roxas na naging bahagi ng awarding.

VIDEO ENDORSEMENT

INENDORSO ng veteran actress na si Boots Anson-Rodrigo ang kandidatura ni VP Leni Robredo.

Ang endorsement ni Boots ay nakapaloob sa isang video.

Kinontra ng aktres na “golden years” ang panahon ng Martial Law.

“Naranasan kong lahat ‘yung more than 20 years ng diktadura. Naranasan ko rin na magkaroon ng kaibigang nawawala. Sana hindi na natin maranasan muli. Hindi natin golden years ‘yon,” bahagi ng sabi ni Boots sa video.

Isa lang si Boots sa dumaraming celebrities na sumusuporta kay VP Leni.

AUTHOR PROFILE