Maine

OFW na tinawag siyang suplada, ’di nakaligtas kay Maine

January 15, 2023 Vinia Vivar 258 views

Hindi pinalampas ni Maine Mendoza ang isang OFW (Overseas Filipino Worker) sa Singapore na sinabihan siyang suplada.

Nag-post sa kanyang Facebook account ang nasabing OFW ng larawan nila ni Maine na magkasama at sa caption ay sinabi nitong disappointed siya sa aktres dahil suplada ito sa personal.

Nag-viral agad ang nasabing post at ni-repost ng fans and netizens.

Kinuwestiyon nga nila na kung suplada si Maine, eh, bakit nakapagpa-picture ang OFW.

“So nasa SG pala si Maine at may peklat na kumapit sa kanya na ang sabi eh disappointed daw siya kay Maine at suplada pero nakapag pa pic, pinost at pinublic pa,” ang tweet ng isang netizen.

Nakarating kay Maine ang post ng OFW at sinagot niya ito nang bonggang- bongga.

It turned out na sales associate pala ng store na pinuntahan niya ang OFW na nagsabing suplada siya.

Tila marami nga ang mga Filipina SAs na ‘yun at ayon kay Maine, bastos at makakapal ang mga mukha ng mga ito.

“If I came off as ‘supladita’ (as ate sales associate in Bath and Body Works Ngee Ann Mall have said to every Filipino inside the store, even to my friend) e dasurv nga naman, sana tinarayan ko na nga talaga. Bastos si SA and that group of girls. Bastos at makakapal ang mukha,” ang tweet ni Maine.

Hirit pa ni Maine, nakakaloka raw kung gaano kabastos ang mga Pilipinang ‘yun at ito na raw ang worst experience niya sa ating mga kababayan abroad.

“Oh if you only know how disrespectful and entitled those ladies were, especially the sales associate, ay maloloka ka na lang talaga. By far the worst experience/interaction with kababayans abroad. Bastos,” ani Maine.

Kinampihan naman si Maine ng netizens and fans at kinuyog din nila ang girl sa socmed.

Sa ngayon ay deleted na ang post ng OFW.

AUTHOR PROFILE